Chapter 3:
Yanna's POV...Mabilis na lumipas ang araw at Thursday na ngayon.
Syempre ang dati kong routine ng mga araw na yun ay daldalin ng daldalin si crush.
Kahit madalas niya akong dinededma at kung minsan naman ay sinusungitan niya ako kapag sobrang ingay ko na talaga hehehe.
Yung sa quiz namin naperfect ko yun ang talino ko kasi bwahahaha.
Balik tayo sa klase namin, madalas kaming magkasabay nina Kyle at Ashley tuwing recess, alam niyo na bonding moment naming magbff.
At kanina naman sa Filipino ay may binasa kaming tula.
Tungkol sa kayang gawin ng isang ina sa kaniyang anak, ang pagsasakripisyo at labis na pagmamahal, nakakalungkot at nakakainspire nga yung tulang yun eh.
Wala pa yung teacher namin kaya sigurado akong late na yun, okay lang naman yun kasi last subject naman na namin toh eh bago ang dismissal.
"Dylan, may quiz ba tayo ngayon?"
Tanong ko sa kaniya pero di man lang niya ako tinapunan ng tingin.Dedma lang siya na para bang di niya narinig ang sinabi ko.
"Di ba bawal gumamit ng gadgets during class hours?"
Sabi ko ulit sa kaniya, kasi nagse-cellphone siya.Concern lang naman ako baka macapture yung mamahalin niyang phone. Edi sayang naman!!!
Pero dinedma parin niya ako, tssk...
'Di ba ako kapansin-pansin?
'Di ba ako tao na parang hangin lang kung itrato?
Panget ba ako ha?
Sagot!!!
Ang sabi ko panget ba ako!!!
Hindi talaga kayo sasagot?!
Char lang hahaha, pero syempre di ako matatahimik hanggang dinededma niya ako.
"Hindi ako nakapagnotes kanina, pahiram ng notebook mo."
Sabi ko ulit sa kaniya. Kahit na nakatagilid siya at kita ko ang dahan-dahang pagsalubong ng kilay niya.Ayieh. Papansinin na ako niyan.
May kung anong hinahalungkat pa siya sa bag niya kaya naman napangiti ako ng abot sa tenga.
Hahaha pahihiramin niya na ako besides nobody can resist me.
Bigla nalang akong napanguso ng makita kong headset lang pala ang kinuha niya saka ito isinalpak sa tenga niya.
Tssk nadali ako doon. Di bale di ako susuko.
"Ano yang pinapakinggan mo? Parinig ako."
Pangungulit kong sabi ngunit tinalikuran lang niya ako.
BINABASA MO ANG
Fallin' For My Snob Seatmate
RandomAng tahimik na mundo ni Siege Dylan Lee ay bigla nalang magugulo ng isang napakadaldal at napakamanhid na babaeng si Misty Yanna Mishike. Para sa ilang mga estudyanteng nakakakilala kay Siege ay isa siyang tahimik, suplado, hindi ngumingiti, laging...