AYANA POV
What a beautiful night. Ang sarap magstargazing.
Naalala kot tuloy... mahilig kaming magstar gazing nila Lorkan At Willow. Heto nanaman may kumurot na naman sa puso ko.
Damn... naguguilty na ba ako?
Napailing ako. I slap myself.
"Hey dear cuz why are you hurting yourself?" sarcastic na pag-aalala ng pinsan kong si Zarisha Emlarie "Zem".
"what are you doing in my room?" tanong ko naman.
"Magdidinner na. Baka gusto mong bumaba?" pagtataray nito.
"Oo na, bababa na ko" sagot ko.
"Pero advise ko sayo... dito ka nalang, pag-aakyat nalang kita ng pagkain" sabi nito.
Ibang klase din ang ugali nitong pinsan ko. Madalas masungit ang pakikitungo niya sa amin, pero ang totoo... siya lang ang kakampi ko, kahit hindi halata, alam kong concern ito sakin.
"Bakit? kumpleto yata sila ngayon?" tanong ko.
"It's Friday night my dear cu'z alam mo naman... nandito ang buong angkan. Hay naku nanganagwit na nga ang panga ko sa kakangiti. Damn..." inis pa nito.
"Bakit kasi kailangan mong ngumiti?" tanong ko naman.
"Alam mo naman ang sagot sa tanong mo Ayana" taas kilay nito sakin.
Napailing nalang ako.
"Sige na Zem mauna ka na... bababa din ako" sagot ko.
"Ok. ikaw ang bahala" sabay talikod nito sakin. "oo nga pala... nabalitaan na ng pamilya natin na gising na si Willow, you better prepare yourself my dear cu'z" paalala nito.
I smirk. Prepare myself? talaga lang ha? bakit?
Kinuha ko ang paborito kong hairbrush, regalo sakin ito ni Lorkan (Ace) dati. Everyone loves my hair and I treasure it too... too bad kinailangan ko itong putulin dati. Dahil ito ang naging kabayaran nun para makagamit ako ng black magic. Hindi ako pinanganak na may lahing mangkukulam hindi tulad ni Willow, pero aminado naman siya at kahit si Tita Sabina na mas magaling ako sa kanya sa paggamit ng witch crafts.
Pero lahat may kapalit... isa pa mapaglaro talaga ang tadhana... madalas nagkakaruon ng mga koneksiyon ang mga pangyayari o mga taong nasa paligid natin kahit hindi sadya.
Lampas balikat nadin pala ang buhok ko. Kung sabagay mahigit isang taon nadin simula nung pinutol ko ito. Ngayon pwede ko ng gamitin ito...
"It's been a long time nung makita kong itinali mo ang buhok mo?" bulong niya sa likuran ko.
Paglingon ko sa kanya. "Ngayon lang kasi babagay sakin ang ribbon na'to eh" sagot ko.
"Pero alam mong hindi sayo yan" paalala niya.
"It's MINE!" halos pasigaw kong sagot. He just smirk... "Ano bang ginagawa mo dito Lorkan?" irita kong tanong.
Hindi siya sumagot.
"Bakit hindi mo puntahan si Willow sa kanila... yun ay kung natatandaan mo pala kung taga saan siya" pang-aasar ko sa multong ito.
BINABASA MO ANG
My Sweet Voodoo Doll
RandomWhat will happen if a cool and hearthrob man will accidentally open his sixth sense? And he will meet a very weird, unattracted and annoying ghost. Moreover... it so happen that this ghost needs to follow every command of the man who freed her...
