Pagka parada ko sa garahe sumalubong agad ang mga baby ko...
"Hey... sweetie... how are you? " sabay haplos sa balahibo niya. Ang alaga kong 2 year old golden retriver na si Hershey. At ang suplado kong pusa na isang British Shorthair na si Ash, dahil sa kulay abo nitong balahibo.
Magkasundo naman ang dalawa kong alaga... Sila lang ang maitututring ko talagang mga kaibigan.
Pagpasok ko sa loob.
Sinalubong naman ako ng makulit kong kapatid na si Hero. He is 13 years old. 6 years ang pagitan namin. Oo I'm 19... hwag na kayong magcompute! I'm 2nd year college taking Hotel and Restaurant Management. While Hero is 2nd year high school.
"Kuya Saver dali gawa ka na nang miryenda ko" pangungulit nito.
"Oo na Oo na... pwedeng magbihis muna ko?" sagot ko.
"Dali mo na..." utos pa nito.
Ginulo ko ang buhok niya. "ang kulit mo talaga" bulong ko
Umakyat ako kasunod si Hershey pero si Ash as usual napakatamad ng pusang ito, humilata lang sa sala at tinitigan lang ako paakyat. Nagbihis ako agad ng pambahay...
"what do you want ba?" tanong ko.
"I want... " tagal pa niyang mag decide. "apple pie kuya!" sigaw niya.
"Ah... wala ako sa mood magbake Hero..." sagot ko.
Sumimangot agad ito... tinitigan ko lang siya.
"Iba nalang ngayon, sa Sabado na kita gagawan ng apple pie ok. Pero sa ngayon yung madali lang" sabi ko.
"Hmmn... sige na nga... banana split nalang" ngiti niya.
Napataas ang kilay ko.
Dumiretso muna ako ng kusina... at tiningnan ko kung may ingredients naman...
"Pano niyan isa lang ang flavor ng ice cream... O.k lang sayo?" tanong ko.
Tumango ito ng nakangiti habang nakikipaglaro kina Hershey at Ash.
Pinagprepare ko siya ng banana split niya. I scooped 3 vanilla icecream, sliced the banana, I sprinkled some chocolate chips at marshmallow at nilagyan ko din ng chocolate syrup.
Nagprepare na din ako ng sandwich namin at nagtimpla ako ng kape ko at pinagprepare ko na din siya ng inumin niya.
Wala siya sa sala... narinig ko ang ingay sa may taas.
Nasa attic sila.
Ginawang video at game room ang attic, may maliit din itong veranda. Nakabukas naman agad ang pinto. Napansin ko, bukod sa kalaro niya sila Hershey at Ash, nakatitig ito sa may bintana.
Bigla pa itong napangiti.
Pati sila Hershey at Ash nakatitig din dun sa may bintana.
"Hero?" tanong ko.
Nagulat pa ito nung mapatingin sakin. Sabay lingon ulit sa may bintana.
"anong tinitingnan mo?" tanong ko.
"Wow! kuya... dali asan na yang banana split ko, baka matunaw pa eh" hindi niya sinagot ang tanong ko.
Lumapit ako sa bintana... sumilip pa ko sa may ilalim...wala namang tao, at mataas taas din naman ito, kailangan mo pa ng hagdan para makasilip dito.
Kinuha ko nalang yung sadwich ko at kape. Umupo ako sa may veranda, tumabi sakin si Hershey, hinaplos ko ang ulo niya.
Nakatitig lang ako sa paglubog ng araw...
"HOY! gumising ka nga dyan!" sigaw ng isang babae sa likuran ko...
Parang boses ni Clover, nakakirita.
Sino ba siya? kilala ko ba ito... paglingon ko. Isang nakakatakot na babae ang humarap sakin, magulo ang buhok, duguan ang mukha... at sinasakal niya ko... hindi ako makahinga... wala akong lakas na labanan siya"
Tapos bigla niya kong dinilaan. Ha? dinilaan?
Pagalaw ko... napatingin ako kay Hershey... sya pala ang gumising sakin, dinidilaan niya ang kamay ko. Kahit isa siyang aso... she can understand my feeling, at binabangungot na pala ako.
"What a nightmare..." bulong ko. Sabay haplos sa ulo ni Hershey.
"Kuya? gising ka na pala... nakaidlip ka eh..." sabi ni Hero. "halika na nandito na sila mommy at Dad, dinner na daw tayo" alok nito.
"Ok. sige... baba na ko." sagot ko naman.
Habang kumakain...
"O kumusta naman ang work Mi (short for mommy)" tanong ni Dad.
'As usual puno padin ng mga stubborn na bata" sabay titig sakin ni mommy.
Hindi ako kumibo.
"Eh ikaw Di (daddy) kumusta na yung hinahawakan niyon new case?" tanong ni mommy.
"Hayun... nakita na namin ang kawawang biktima" sagot naman ni Daddy.
Here we go again... haiyst!
"Talaga Dad? saan? anong nangyari?" curious ni Hero.
"Ayun natagpuan namin ang bangkay nung bata sa may lumang bodega nung kriminal... mga ilang 3-4 days ng patay yung bata.. tsk.tsk." paliwanag naman ni Dad.
"Ah talaga Dad? pwedeng pakita yung picture?" curious nanaman ni Hero.
Nagtratrabaho si Dad bilang Crime investigator at magkasundong magkasundo sila ni Hero pagdating sa mga ganitong bagay.
"Pwede po ba iba nalang ang pagusapan natin? kumakain po tayo eh" singit ko.
Natatawa pa sila. Dahil alam nilang yun ang pinaka ayaw kong topic sa lahat.
Pagkatapos kumain, dumiretso na ko sa kwarto ko, sumunod naman agad ang pusa kong si Ash at aba? parang puyat na puyat naman siya... kaagad siyang humiga sa kutson niya, samantalang si Hershey busy pang nakikipaglaro kay Hero at sa Dad ko.
I opened my laptop at nagsimulang magresearch ng kung anu-ano... hindi naman ako ganun kahilig magopen ng mga social networking site, isa pa natatambakan lang ito ng kung anu-anong kalandian ng mga babaeng may gusto sakin. Maiirita lang ako.
Nung mainip ako... nagbasa nalang ako at humiga sa kama... tumabi pa sakin si Ash.
Alam kong nakatulog ako... pero parang gising na gising ako sa panaginip ko. At heto nanaman ang nakakatakot na babae, pero this time... tinatakpan ko ang tenga ko, pero wala naman talaga na kahit anong ingay akong naririnig.
"Sino ka?" tanong ko. Pero hindi siya umiimik.
Bigla siyang lumapit sakin at kinalmot ako?
"ASH!!!" sigaw ko... dahil kinalmot niya ko sa may leeg. HIndi naman malalim pero mahapdi. Binanlawan ko agad at sinabon, hindi naman ako takot sa rabis dahil napainjection ko naman sila ng anti-rabis pero syempre sugat padin ito at pwedeng ma-infection.
Damn... bakit parang ang haba naman yata ng kalmot... parang hindi kuko ng pusa...
Hindi ko na yun masyadong inintinde... natulog nalang ulit ako.

BINABASA MO ANG
My Sweet Voodoo Doll
RandomWhat will happen if a cool and hearthrob man will accidentally open his sixth sense? And he will meet a very weird, unattracted and annoying ghost. Moreover... it so happen that this ghost needs to follow every command of the man who freed her...