SAVER POV
Dumiretso kami sa lugar na yun... ang lugar kung saan nakakahanap ako ng katahimikan. Sa templo kung saan nakilala ko si Willow.
"Hindi mo naman siguro ako balak ibalik sa balon na yun diba?" tanong ni Willow.
"Of course not..." sagot ko sabay kurot sa ilong niya at napasimangot ito. "hindi naman tayo didiretso dun sa may balon, sa may gilid ng templo tayo pupunta" paliwanag ko.
Sinalubong at binati ako ng mga monghe dun. Madalas lang naman ang pagyuko ng ulo sa pagbati sa kanila.
Sa dulo ng templo may magandang japanese garden kang makikita, may fish pond na may nakakaaliw na colorful na koi fish at maraming bonsai sa paligid.
Ang ganda naman dito..." hanga ni Willow.
"Hindi ka pa ba nakarating dito? hindi ba malapit lang naman ang balon sa lugar nato?" taka ko. Habang naglalakad-lakad
"Limitado lang ang pwede kong puntahan... tulad ng multong si Anna, hindi siya pwedeng umalis sa may park" sagot nito.
"Natrap ang kaluluwa ni Anna, dahil duon siya binawian ng buhay diba?" tanong ko. "So you mean... dito ka din namatay? o pinatay?" tanong ko.
Napahinto siya sa may small bridge at napatitig sa pond. Nalungkot ang mga mata niya. Hindi siya nakakibo. Damn! I'm so stupid to asked that!
"Sorry Willow... you don't have to answer that, juts don't mind me" sabi ko. " mukhang uulan, halika dun muna tayo sumilong" alok ko.
Dumiretso kami sa isang gazebo na japanese style din. Nasa gitan ito ng garden. Umupo ako sa bench. Unti-unti... kasabay ng pagbuhos ng ulan hindi ko napigilan ang pagluha ko.
Takang-taka si Willow... gusto kong pigilan ang pagiyak ko pero kahit anong gawin ko, mas lalo lang naninikip ang dibdib ko. And then... she hugged me.
Hindi siya kumikibo pero sinimulan ko ang pagkwento sa nakaraan ko.
"Ito ang lugar kung saan madalas kaming magkita at magusap ni Ayana, ang ex girlfriend ko na sinabi ko sayo dati. Dito din kaming aksidenteng unang nagkita ni Ace ang bestfriend ko" simula kong paliwanag.
"Siya rin kaya yung multong nakilala ko sa lumang gym?" tanong niya.
"Siguro..." sagot ko. "Duon kasi siya namatay... at kasalanan ko yun" tuloy kong kwento.
"Saver? sabi nila aksidente yun diba?" tanong niya.
"Part of it... Oo it was an accident... but, dahil padin sakin kaya wala na siya ngayon" sabi ko.
"Ano ba talaga ang nangyari nuon?' tanong niya habang hinahaplos ang ulo ko.
"Si Ayana at Clover ay mga childhood friend ko, sila lang ang nakaka intindi sa napaka moody kong personality" napangiti pa ko. " Nung maghigh school kami... I fell inlove kay Ayana, alam kong pareho naman silang may gusto sakin. Inamin na din ni Clover ang nararamdaman niya sakin nun pero tinanggihan ko siya. inilihim namin ang lahat ng yun kay Ayana, dahil ayoko din namang magkaruon sila ng problema. Magbest friend kasi ang dalawang yun" kumawala na ko sa pagkakayakap kay Willow.
"Pero... highschool life is tough, hindi ko kayang pagsabayin ang studies, ang paglalaro at pagiging sikat sa mga sports lalo na sa basketball at ang relationship namin ni Ayana. Nasaktan ko lang siya... ng ilang beses hanggang sa dumating nga ang point na nakipaghiwalay siya sakin... mismong anniversary namin yun at dito din sa lugar nato ang huling paguusap namin"
BINABASA MO ANG
My Sweet Voodoo Doll
RandomWhat will happen if a cool and hearthrob man will accidentally open his sixth sense? And he will meet a very weird, unattracted and annoying ghost. Moreover... it so happen that this ghost needs to follow every command of the man who freed her...
