Chapter 10: Incensitive

373 22 1
                                        

SAVER POV

                 Naririnig kong nagaalarm ang phone ko. 

                Dati rati naman, mas nauuna pa kong gumising bago pa tumunog ang alarm clock ko, pero ngayon... parang tamad na tamad akong bumangon. 

                   "Hoy Saver! gumising ka na nga!" utos niya...

                     Pagmulat ng ga mata ko... napatitig ako sa kanya. 

                    "Hoy!!! ano ba... gumising ka na!" sigaw niya ulit.

                    Dahan dahan akong bumangon... parang ang gaan ng pakiramdam ko, nakatulog ako ng mahimbing ngayon, at hindi ko matandaan na nagkaruon ako ng nightmare.

                "Goodmorning" bati ni Willow.

                   "Goodmorning..." bati ko.

                    Naka ponytail ngayon ang buhok niya... hindi siya mukahng bruha ngayon. At teka...

                  "Multo ka na diba? pano ka pa nakakapagpalit ng damit?" tanong ko. Dahil napansin kong nakasuot siya ng simpleng bestida... 

                    "Hmmn... ewan ko din, basta alam ko lang kaya kong magchange costume... cool noh?" ngiti pa niya. 

                   I just can't believe it... anong klaseng multo ba siya? Grabe na ang kawirduhan nato umagang umaga...

                 Just like usual... plano kong magjogging kasama si Hershey, at Oo nga pala Sunday ngayon. 

                   Nagluto muna ko ng breakfast, hotcakes para kay Hero at sakin at scrambled eggs at bacon, mas gusto ni Dad ang mainit na pandesal at kape. 

                    "Hanep ah? ang galing mo din palang magluto? at wow! ang sarap niyan for sure..." hanga ni Willow sa niluluto ko. 

                Sayang... kung sanang buhay pa siya pwede naman niya itong matikman. Ha? wait... kung buhay pa siya? natawa tuloy ako.

               "Anong nakakatawa?" tanong niya. 

                "Wala..." bulong ko. 

                "Baliw!" sabay pout nanaman niya... tumambok nanaman ang  pisngi niya. 

                Nakurot ko tuloy. 

                 "AH... ano ba! ang kulit mo din noh?" sigaw niya. 

               Natatawa lang ako.

              "Uy... ang sweet niyong dalawa ha?" asar ni Hero samin.

              "Goodmorning Hero" bati sa kanya ni Willow.

                "Goodmorning" bati naman ng kapatid ko sabay subo ng pancakes. 

                Habang nagaalmusal kami... busy sa paglalaro sa labas sila Willow at ang mga alaga ko. 

                Pagkatapos naming kumain, as usual magyayayang umalis si Hero. Madalas lang naman silang tumatambay sa mga mall. At ako naman automatically mas gusto ko talagang magstay lang sa bahay. 

               Nagjogging muna ko, kasama si Hershey at kasunod din si Willow. Sa park nandun nanaman ang babaeng nakita ko kahapon, nakaupo lang ito sa bench at malungkot. 

My Sweet Voodoo DollTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon