Chapter 35: Modernization

336 20 40
                                    

SAVER POV

                    Sabay lang kami na discharge sa hospital ni Willow.

                    "Thank you sa lahat Mr. and Mrs. Sarmiento" naiiyak na paalam ni Tita Sabina sa parents ko. 

                 "Wala yun... masaya kami para sa inyong mag-ina. " sabi naman ni Dad. "I'm sorry kung wala akong magawa para magkaruon man lang ng katarungan o kasagutan ang nangyari talga sa anak niyo" malungkot nitong sabi.

                 Napayuko si Tita Sabina napatingin siya saming dalawa ni Willow.

                 Lumapit ito sa kin. At bigla akong niyakap. Umiyak. "Pasesya ka na HIjo, kung pati tuloy ikaw nadamay sa sumpa ng anak ko" 

                   "Tita... please, hindi niyo naman kailangan magsorry... wala kayong kasalanan" sagot ko. 

                    Nakiusap ako sa parents ko na ihatid muna sila Tita Sabina at Willow sa kanila. 

                "Pero Saver? kailangan mo pading magpahinga hindi ba?" tanong sakin ni Willow.

                  "I'm ok" mabilis kong sagot. 

                   Napakamot ulo nalang sila Dad, because they know how I' stubborn sometimes. 

                  "O siya sige... basta umuwi ka nalang agad at tawagin mo kami ng mommy mo" paalala niya. 

                   Ibinigay ni mommy ang susi ng kotse niya. At yun nalang ang ginamit namin. 

                  Medyo dulo pala ang lugar nila... malayu-layo sa syudad. Countryside... yung tipong puro bukid ang nakikita mo... maaga pa, kaya nakakaaliw naman ang paligid. Masarap ang sariwang hangin. Tahimik. 

                  "Parang ang layo naman yata nito sa school mo nun WIlow? araw araw kang nagbyabyahe?" tanong ko.

                  "Hindi... naktira ako nun kina Ayana" sagot niya.

                 Nakatira siya kina Ayana? Napatingin ako sa kanya.

                  "Mukhang marami ka nag naalala ngayon ah?" tanong ko.

                  Napatitig siya sa bintana. Biglang nalungkot ang mga mata niya.

                "Willow... I'm sorry, look.. hindi mo naman kailangan ikwento sakin ang lahat ngayon" sabi ko.

                  Napangiti siya ng kaunti. 

                 "Hijo... nandito na tayo" sabi ni Tita Sabina.

                 Nung itinabi ko ang  sasakyan... Kakaunti at magkakalayo ang mga bahay. May malawak silang bakuran. Typical modern house na din naman ang bahay at kulay pink pa ang pintura, ang cute.  Akala ko nga kubo ang makikita ko. May malaking puno ng mangga sa gilid ng bakuran at may nakasabit na duyan dun. 

                     "Halika na hijo..." alok ni Tita Sabina.

                     Sa may terrace muna ko umupo. Nagpahangin muna ko. Grabe... ang tahimik, rinig mo ang ihip ng hangin at mga huni ng ibon. Ang sarap sa pakiramdam. 

                 "O.k ka lang?" tanong sakin ni Willow.

                "oo naman..."sagot ko. 

                 "Halika ka muna sa loob Saver at magmiryenda muna kayo" alok ni Tita Sabina.

                 Pagpasok ko sa loob. 

My Sweet Voodoo DollTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon