Chapter 9: First Night

387 22 0
                                    

        After kong magbihis, bumalik agad ako sa attic. Bago ako pumasok... may naririnig akong nag-uusap. 

          "Hero? Willow?" taka ko. 

            At may isang bata sa may bintana na kumakaway, yung batang nakita ko kaninang umaga bago ako mag jogging... teka? kilala ba siya ni Hero? 

            What the F... bigla akong napatakbo. Napasilip sa bintana... pagsilip ko sa ilalaim, wala namang hagdan, imposible namang ganun katangkad yung batang yun para makasilip sa bintana ng attic. 

               "Ah siya pala si Andie... napano daw siya?" tanong ni Willow sa kapatid ko, at habang nakikipaglaro nadin kay Hershey.

               "Aalis na daw siya kasi nakita na daw ang katawan niya" sagot naman ni Hero.

              Ano bang pinagsasabi nila? tsaka bakit nakakausap din ni Hero si Willow. 

             "Ok ka lang Saver? ikaw naman hindi mo sinabi sakin na pareho pala kayo ng kapatid mong may kakayahang makakita ng spiritu" ngiti pa ni WIllow.

                Napakamot ulo si Hero at napatawa. 

                "Ano? si Hero... bukas ang third eye?... at WHAT!? ako... bukas ang third eye ko?" tanong ko. 

           "nakikita mo ko diba? nakita mo din yung bata kanina... multo ako, multo siya... so... Oo malamang bukas nga ang third eye mo?" masungit pang paliwanag ni Willow.

                  "Sorry Kuya Saver ha... kasi alam ko naman na hindi ka naniniwala sa mga multo o spirits, kaya hindi ko na naamin sayo na matagal ng bukas ang third eye ko" paliwanag ni Saver.

                "Yung batang yun? siya ba ang madalas mong kausap dito sa attic?" tanong ko.

                "Ah kung ganun, nahuhuli mo pala akong may kausap..." tawa pa nito. "oo siya si Andie matagal ng pagala-gala ang kaluluwa niya dahil hindi pa nakikita ang bangkay niya. Kani-kanina lang nakita sa likuran ng school niya yung bangkay niya at nahuli nadin ang pumatay sa kanya kaya ayun... makakatawid na siya" paliwanag ng kapatid ko. 

               Hindi ako nakakibo.

               "Ikaw kuya kylan pa nabukasan ang third eye mo?" tanong ni Hero.

                 Napaisip ako... duon nag flash back ang lahat... nung binasa ko ang spell na nakasulat sa black book. It means kinabukasan, yung bata sa may gate... yung babae sa may park... mga kaluluwa ba ang mga yun? si Willow... 

              "O bakit namumutla ka?" tanong ni Willow. "So you mean Hero, hindi natural na nakabukas ang third eye ng kuya mo?" tanong nito sa kapatid ko.

                  "Hindi... yun ang pagkakaalam ko" sagot ni Hero. 

               "Ah... yun pala yung dahilan kung bakit nung una akala mo pinagtritripan lang kita ng multo nalang talaga ako..." sang-ayon ni Willow.

              "Kagabi lang nabuksan ang third eye ko, matapos kong basahin yung black book" sabi ko. 

               Oo nga pala nasan na nga ba ang librong yun? nasa bag siguro.

                "So it means... marami ka pa palang dapat matutunan niyan Saver" sabi ni Willow.

              "What do you mean?" tanong ko.

               "uhmmn, kung paano mo magagamit ng tama ang third eye mo" sagot niya. 

               Napatingin ako sa kanilang dalawa. I don't get it... 

My Sweet Voodoo DollTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon