WILLOW POV
Pinatapos ko muna silang mag miryenda. Mga 4:00 na ng hapon, kaya malilim na sa may puno ng mangga. Duon ko sinimulan ang pagkwento ko sa nakaraan.
"Hello Dad? opo nandito pa po ako kina Willow..." kausap ni Saver ngayon ang Dad niya sa phone.
"I'm ok. uhmmn... Maybe... dito nalang ako magpapalipas ng gabi" paalam niya sa dad niya sabay wink sakin.
Namula tuloy ako. Ang kapal naman nito. Talagang feel at home ang peg ha? napasimangot lang ako at inirapan siya. Kinurot naman niya ko sa ilong.
"Aiii... anu ba yan... akala ko tapos na ang dessert, eh bakit napapaligiran padin ako ng sweet" kilig naman ni bading.
"O.k Dad, do not worry... magiingat po ako" sabay baba ng phone niya.
Pagupo ko sa duyan. Umupo narin sa damuhan sila Saver at Jamie. Si mama naman mas pinili nalang magluto ng dinner. Dahil ang totoo, baka hindi daw niya makayanan ang mga sasabihin ko eh magwala nalang siya at makagawa pa daw siya ng kasalanan.
Hindi naman sa walang pakialam ang mama ko sa totoong nangyari... yun nga lang alam din niya sa sarili niya na wala na siyang magagawa at alam niyang ako lang ang makakatulong sa situation ko ngayon. Galing nga kami sa angkan ng mga mangkukulam, pero hindi pa nagawang gamitin ni mama ang kakayahan niya, dahil takot siya mismo. Isa pa... sa amin naman talaga ni Jamie ipinamana ang kapangyarihan ng angkan namin.
Walang masama o mabuting witch o mas kilala sa white or black witch. Pare-pareho lang kami... yun nga lang bilang tao, may iba't iabng paninindigan at paniniwala kami. Depende nalang talaga kung paano namin gagamitin ang kapangyarihan namin.
Maari din naman matutunan nga ibang tao ang pangungulam... pero hindi lahat, si Ayana ay ipinanaganak ng bukas ang isipan niya sa mga supernaturals kaya madali niyang natutunan ang ilan sa mga kakayahan at gawain ng mga witch. Sabi nga ni mama... isa ito sa malaking pagkakamali niya. Pero, kasalanan ko din yun.
"Hoy bruha? baka gusto mo ng smulan ang kwento? hwag mong sarilinin ang kwento, kanina pa dumadaldal ang utak mo, pero hindi ka nagsasalita" pagtataray ni bakla nung mapansin nakatulala ako.
Nagbuntong hininga ako hindi ko sila tinitigan. Napatingin ako sa itaas ng puno.
"More than one year ago... masaya pa kaming magkakasamang tatlo nila Lorkan (Ace) at Ayana. Mas lalong tumibay ang pagkakaibaigan namin simula ng magsama-sama na kami sa iisang school. Yun yata ang mga panahong nakipagbreak siya sayo nun Saver" napataas kilay si Saver.
"Madalas kang nakukwento ni Ayana kahit nuon pa mang bata kami. Childhood friend niyo siya ni Clover hindi ba? ang totoo, may mga pagkakataong nakikita ko na kayo nun sa bahay nila Ayana kapag namamasyal kayo dun, pero hindi ako nabigyan ng pagkakataong makausap kayo dahil narin siguro sa ayaw ko. Pinagselosan namin kayo ni Lorkan nun" napangiti pa ko. "At inis kami sa inyo dahil, alam namin kailangan pang magpanggap ni Ayana na isa lang din siyang normal na bata tulad niyo"
"really? so it means... bata palang kami, marami na siyang itinago samin ni Clover?" malungkot niyang tanong.
"oo... she's good in that. Pero hindi naman natin siya masisisi dahil sa mga napagdaanan niya mismo pa sa sarili niyang pamilya. Kilala ang pamilya nila, may inaalagaang reputasyon sa gobyerno, kaya hindi nila hahayaang dungisan ang pangalang ito dahil sa freak ang anak nila. Yun ang tingin nila sa amin. Hindi tao!" gigil ko.
BINABASA MO ANG
My Sweet Voodoo Doll
CasualeWhat will happen if a cool and hearthrob man will accidentally open his sixth sense? And he will meet a very weird, unattracted and annoying ghost. Moreover... it so happen that this ghost needs to follow every command of the man who freed her...
