"Hoy ano ka ba! bakit ka nagtatapon ng basura dito ha?" sigaw ng isang babaeng galing sa balon... pano naman kaya nakaakyat to?
Balingkinitan ang katawan nito, halatang halata sa suot nitong panjama... mahaba ang buhok niya, hanggang bewang kaya lang halatang hindi ito sinusuklayan at inaalagaan. At ang mga mata niya sobrang kakaiba, yung kaliwang mata niya ay parang kulay blue... sobrang light blue... bulag ba siya? At yung kanang mata niya ay kulay brown. Parang mata lang ng pusa.
"Hello!!!" sigaw ulit nito. "Pipi ka ba ha? bakit hindi ka magsalita!?" tanong nitong pasigaw.
"Sino ka?" tanong ko.
"Aba? sino ka muna!" sungit nito.
"Ako si Saver" sagot ko.
"Saver? hmp! o Saver... bakit ka nagtatapon ng basura sa balon ha? hindi naman basurahan yun ah!" taray niya.
"Galing ka sa loob ng balon?" tanong ko.
"Oo! bakit?" tanong pa niya.
"Anong ginagawa mo dun?" tanong ko.
Napahinto siya.
"Wala ka na dun!" sigaw nito sakin.
Napailing ako... Hindi kaya siya na ang unang nakakita ng kayamanan?
Sinubukan kong inagaw ulit ang libro sa kanya. Pero ayaw niya itong ibigay.
"anong ginagawa mo?" irita ko.
"Bakit na sayo ang librong to?" tanong niya.
Alam niya ang librong yun?
"Sakin yan..." sagot ko.
"nek nek mo!" pagtataray niya.
"Give me that I said!" sigaw ko.
Bigla naman niya itong inihagis sakin. Parang nagulat pa siya sa ginawa niya. Nanlaki ang mata niya.
"Ibibigay mo din pala!" sabi ko.
Inagaw niya ulit ito sakin. Sabay takbo.
"Stop! akin nayang libro" sigaw ko.
Bigla naman itong humito at parang pinipigilan niya ang mga kamay niya na ibigay sa kin ang libro. Bakit ganun? parang hindi niya nakocontrol ang katawan niya.
"Akin na yang libro!" sabi ko ulit.
Pinipilit niyang pigilan ang sarili pero naihagis niya ng malakas ang libro sa direksyon ko, nahulog ang libro sa balon.
Napipikon na talaga ko.
"Tingnan mo nga! ayan tuloy nahulog sa balon yung libro! bakit ba kasi ang kulit mo!" sigaw ko.
Nagmake face lang siya sakin.
"Ang kulit!" sabay kamot sa ulo ko. "Kunin mo ulit yan!" utos ko.
May kung ano na para bang tumulak sa kanya at kusang gumalaw ang mga paa niya papunta sa balon.
Dire-diretso lang siyang tatalon sa balon.
"Teka!!!" pigil ko, hinawakan siya... she's so cold. "Baliw ka ba ha! bakit ka tatalon?" tanong ko.
"Sabi mo kunin ko yung libro?" sumbat niya.
BINABASA MO ANG
My Sweet Voodoo Doll
RandomWhat will happen if a cool and hearthrob man will accidentally open his sixth sense? And he will meet a very weird, unattracted and annoying ghost. Moreover... it so happen that this ghost needs to follow every command of the man who freed her...
