KATE POV
Ganun nalang yun?
Ang gulo... ang gulo nila... hindi ko gets...
Bigla akong kinurot ni Brian sa ilong.
"Hey? why so serious?" ngiti nito.
Letseng to... ang gwapo... ayan tuloy hindi ko maiwasang mag blush kainis!
"Bakit ka ba nangungurot ng ilong?" tanong ko.
"Wala lang... ang cute kasi eh" sagot nito.
Hiyang hiya naman ang ilong ko sa tangos ng ilong niya.
Inirapan ko lang siya.
Biglang lumungkot ang mga mata niya habang pinagmamasdan ang papalayong si Saver.
Ako naman ang kumurot sa ilong niya. Shet!!! ang tangos...
Natawa siya... hwag ka ngang ganyan... tayo lang pa naman dito sa gym baka mamya hindi ako makapagpigil sunggaban kita dyan! bulong ko sa sarili ko.
"Sorry about that... let's go?" alok nito.
"Hey? uhmmn... alam kong pumayag ako na kuhanan ko si Saver habang naglalaro kapalit ang paglibre mo sakin ng cakes at coffee, pwedeng ibang offer nalang?" tanong ko.
Bigla itong humarap sakin... napaatras ako hanggang napasandal sa pader. Tinitigan niya ko.
"So? Ms. Jeon? at ano naman ang gusto mong kapalit?" bulong nito.
Halos hindi ako nakahinga. Inilalapit niya ang mukha niya... Napapikit nalang ako.
Tapos... natawa lang siya.
"You are so cute talaga K.D." asar niya.
Nyetang to! pasalamat ka gwapo ka talaga kung hindi kahit mahal ko ang camera ko inihampas ko nato sa mukha mo!
"Ano ba talaga kasi ang nangyari sa topaking childhood friend ng bestfriend ko?" mataray kong tanong.
Nagbuntong hininga muna siya. Pinilit niyang ngumiti.
"Yun lang ba? ok... let's talk about it habang ineenjoy ang cakes at coffee" kindat nanaman nito.
Ano ba!!! pwede na bang matunaw?
Paglabas namin sa gym, dumiretso kami sa parking lot. Nakasalubong pa namin ang kakambal nitong si Lionel. Nung mapatingin ito sakin... napangiti ito.
"O Bree ikaw na ang gumamit ng auto... mag cocommute nalang kami ni Hay" sabi nito sabay hagis ng susi.
"Ok. thanks bro" sabi naman ni Brian.
"Ha? teka? bat di pa sila sumabay satin? kasya naman 4 na tao sa kotse niyo ah?" tanong ko.
"Mas gusto ko kasing maglakad muna" kindat naman sakin ng napacute na si Hay. "Naparami kasi ang kain ko kanina, kaya kaylangan mag work out" ngiti nito.
Ano ba yan teh? eh ni wala ka ngang kabilbil-bilbil... work out pa?!
"Get in!" utos ni Bree sakin.
Makautos ka ha? pero sumakay na din ako.
"Take care... enjoy..." paalam pa nila Lionel at Hayley samin.
BINABASA MO ANG
My Sweet Voodoo Doll
De TodoWhat will happen if a cool and hearthrob man will accidentally open his sixth sense? And he will meet a very weird, unattracted and annoying ghost. Moreover... it so happen that this ghost needs to follow every command of the man who freed her...
