Chapter 4: Odd

468 26 4
                                    

         Humabol padin ang makukulit kong kaibigan pagkatapos ng p.e .

          "O san ka didiretso niyan?" tanong ni Hay. 

           "Sa library" bulong ko.

           "Ha? saan?" tanong at bingibingihan ni Lie.

           "Library!" tass boses ko. 

            Nagkatinginan silang tatlo... at tumawa.

           Napailing ako at dirediretsong naglakad. Narinig ko pa silang nagbulungan.

           "Seryoso ba siya dun?" tanong ni Hay.

          "Baka may gagawing homework?" tanong din ni Bree.

           "Pustahan... matutulog lang yun dun" tawa ni Lie.

          Sa pasilyo palang papuntang library... rinig mo na bawat hakbang mo sa sobrang tahimik. Pagpasok ko sa loob... tatlong tao lang ang nanduon... layo layo pa sila at tutok lang sa mga libro.

          "Saver..." tawag mula sa likod. "buti naman at hindi ka late" pagtataray agad ni Clover.

           Hindi ko na siya kinibuan.

            "Follow me!" utos nito.

             Abat! ang sarap hagisan ng libro ang babaeng to. Pero sumunod nalang ako dahil wala na ako sa mood para makipagbangayan sa amazonang to.

              Sa dulo ng library may pintuan. Sinusubukan buksan ito ni Clover pero parang na stock na ang pinto. Kaya pareho naming itinulak ito ng pwersahan. Pagbukas napahiga ako sa sahig, at napahiga naman sakin si Clover.

             Umubo-ubo pa kami dahil sa alikabok. Pagkaharap sakin ni Clover, mabilis siyang tumayo.

            "Sorry..." bulong niya sabay bukas ng ilaw.

              Eh halos isang room pa pala ang bodega nato... marami pa ding bookshelves at mga lumang libro.. 

              Namumula ba siya? ang weird talaga niya. Itinali nito ang buhok niya. 

               Shit! ang sexy pala ng leeg niya... ano ba to... 

                 "O bakit!?" mataray niyang tanong.

                 "Anong gagawin natin dito?" tanong ko nalang. 

                "Paki ayos mo nalang ang mga libro. Paki segregate depende sa category" sabi niya.

                 Paki? as in please? alam pa pala niya ang salitang yun.

                "Ok." matipid kong sagot.

                 "Pag may tanong ka... tawagin mo nalang ako... out mo pala ng 6:00 ok." sabi nito bago siya lumabas. 

                   Tinititigan ko palang ang magulong kwarto na to... nakakatamad na. I closed the door and then nag music ako... at sinimulan ko na nga ang pagaayos. 

               Hindi ko alam kung bakit pero, naaliw ako sa ginagawa ko... luma na ang mga libro dito pero lahat sila interesting ang mga stories. 

               May napansin akong itim na libro... wala itong title. Pagbukas ko... hindi ko maintindihan ang mga nakasulat pero may mga drawing ito. 

                   Natawa ako nung marealize ko kung anong libro ito.

              "grabeh! sino namang addict ang sumulat nito?" bulong ko sa sarili ko.

My Sweet Voodoo DollTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon