SAVER POV
Ano ba kasi ang meron nga sa babaeng ito... at madalas nilulunok ko ang pride ko.
Habang pinagmamasdan ko siya, parang gumagaan ang pakiramdam ko. Lalo na kapag napapangiti ko siya.
"Bakit?" tanong nito na nakangiti.
"Wala!" masungit kong sagot.
At ayun na! ang matambok niyang pisngi. Nakakagigil talaga ito... kapag nakasimangot.
"Aray!" sigaw niya matapos ko siyang kurutin.
Natawa lang ako.
"Saver? sure ka ba na ok. lang sa Dean na magrequest tayo ng sariling room para sa club natin? Eh tatlo lang tayo? hindi pa nila nakikita si Willow" tanong ni Leo.
"Kaylangan natin ng sariling kwarto... para hindi tayo nagmumukhang ewan sa iba kapag kausap natin si Willow" sagot ko.
Kumatok na ito sa Dean's office.
"Come in..." sagot ni Mommy... I mean ni Dean.
Pagpasok namin. Nagulat pa ito nung makita ako. Nanduon din si Clover pero hindi man lang ito bumati samin.
"Mr. Sarmiento? Mr. Montero? anong kaylangan niyo?" tanong ng Dean.
"May we request to have our own room para sa club namin" ako na ang sumagot.
Nagkatinginan si Mommy at Clover.
"Mr. Montero, yan ba yung club na gusto mong ipa-register nung pasukan?" tanong ni Clover kay Leo.
"Ah... Oo Ms. Dela Cruz, yun nga... sabi mo kasi kaylangan makapagrerecuit ako kahit isa lang diba?" sagot naman ni Leo sa kanya.
" I'm sorry Mr. Montero... but, we can't possibly do that, dahil non sense lang ang club na itinatayo mo" sagot ni Clover.
Halatang nadisappoint agad si Leo.
'What do you mean it's nonsense?" tanong ko na napataas ang kilay ko.
Hinawakan ako sa balikat ni Willow.
"Hey... relax Saver... hwag masyadong masungit naman..." ngiti niya.
Huminga ako ng malalim.
"Alam mo ba ang club na pinapasukan mo Saver?" mataray na tanong ni Clover sakin.
"Of course" sagot ko naman.
"Don't make this as an excuse para lang makaalis ka sa pagiging librarian mo, at hwag mong idamay ang nerd na to sa kalokohan mo..." sabay duro niya kay Leo. "No offence Mr. Montero, pero alam ko naman na ginagamit ka lang ng lalaking to" sabi ni Clover.
We are all shock.
Tumalikod ako... "Halina na kayo... nagsasayang lang tayo ng oras dito, tayo nalang ang maghanap ng room natin" alok ko.
"At sapalagay mo ba? papayagan ko kayo?" tanong ulit ni Clover. "Hindi ako papayag na itayo niyo ang isang club na puro kalokohan at katatakutan lang ang alam" sigaw nito.
BINABASA MO ANG
My Sweet Voodoo Doll
De TodoWhat will happen if a cool and hearthrob man will accidentally open his sixth sense? And he will meet a very weird, unattracted and annoying ghost. Moreover... it so happen that this ghost needs to follow every command of the man who freed her...