CLOVER POV
Malamig na ang hangin. I'm just staring at them. Kahit sobra ang galit ko kay Anya (Ayana) bakit sobrang nasasasaktan ako kapag nakikita ko siyang umiiyak?
Alam kong hindi nila ko napansin. Nagtatago kasi ako sa malaking puno. Pareho lang kami ng naisip ni Ace na puntahan si Ayana pero syempre mas mabilis naman siyang nakarating dito. Pero ano bang nangyayari... ano ba ang ibig nilang sabihin?
"Ayokong isama ka sa impyerno Ayana" yun ang mga salitang binitawan ni Ace.
"I just want to save him. Gusto ko lang bumawi sa kanya" yun naman ang sinabi ni Anya.
Ano ba kasi ang mga pinaggagawa ng mga ito? may mabigat bang kasalanan si Ace kaya diretso sa impyerno ang kaluluwa niya?
"Anong kailangan mo?" biglang tanong ni Zarisha (Zem) ang pinsan ni Anya.
Sabi ko na nga ba she noticed. Pagharap ko sa kanila.
"Clover?" tanong ni Anya.
Wala akong masabi. Hindi ko man alam kung anong una kong itatanong.
"Let's talk... sa ibang lugar, hwag dito" sabii niya.
"Ayana is right, hindi magiging maganda kung makikita ka ng addict naming kamag anak" paalala namin ni Zarisha.
I know that. Ewan ko ba kung matapang nga lang ako o talagang matigas ang ulo ko at sumugod-sugod ako sa villa ng pamilyang ito.
Matagal tagal nading may alitan ang Forte Family at Dela Cruz Family dahil sa isang insidente. Well to make the story short. Political matters. Which pareho lang kami ni Ayana na ayaw makisalo sa away nila kaya nga naging magbestfriend din kami. Yun nga lang ibang dahilan ang pinagawayan namin... maybe it's really our fate.
"O.k. then when and where?" tanong ko.
"Bukas, sa templo, hintayin mo ko dun sa Japanese garden sa may likuran" sagot niya.
At naiwan nga akong magisa dun. Naglalakad na ko palabas nang villa. Nang biglang may humarurot na motorsiklo sa tabi ko. Napaupo tuloy ako sa gilid.
"Hoy amazona? anong ginagawa mo dito?" nakakairitang boses niya.
"Pakialam mo ba" sagot ko. Grabe... mas dumami pa yata ang tattoo nya ngayon.
Dire-diretso na kong naglakad habang pinapagpag ko ang dumi sa pantalon ko. Sinusundan niya ko.
"Ano ba Troy? ano bang kailangan mo? heto na nga oh, lalabas na ko" sigaw ko. Isa ito sa mga pinsan ni Ayana na kinaiinisan namin talaga, ilang beses ding nakipagsuntukan si Saver sa kanya nun.
"Bakit hindi mo yata kasama ngayon ang loverboy na si Saver?" pangaasar niya.
Hindi ko siya sinagot.
"Siguro may ibang kasamang chicks yun noh? kawawa naman kayong dalawa ng pinsan kong si Ayana, pareho kayong talunan pagdating sa pag-ibig" tawa pa niya.
"Alam mo daig mo pa si Kris Aquino o Vice Ganda na mahilig kumatak" irap ko sa kanya.
Bigla niya kong hinawakan sa braso. At may ibinulong...
BINABASA MO ANG
My Sweet Voodoo Doll
אקראיWhat will happen if a cool and hearthrob man will accidentally open his sixth sense? And he will meet a very weird, unattracted and annoying ghost. Moreover... it so happen that this ghost needs to follow every command of the man who freed her...