SAVER POV
Ginabi nadin pala kami sa paglilinis nitong new club room namin. Bukas nalang namin itutuloy.
"Saver? sorry I need to go home... hinahanap na ko ni mommy eh" paalam ni Leo samin.
"Ingat Leo... see you tomorrow" paalam ni Willow sa kanya.
Pagkatapos namin ayusin pa ang ilang gamit. Niyaya ko nadin siyang umuwi.
Napatingin ako sa lumang gym...
"Wala na siya?" bulong ni Willow.
'Sino?" tanong ko.
"yung ligaw na kaluluwang nakilala ko kanina" sagot niya.
"Multo? dito sa lumang gym?" tanong ko.
"Oo... ang pogi pa nga niya eh" sagot niya.
"Sino daw siya?" kinakabahan kong tanong.
"Ace daw ang panagalan niya" sagot nito.
Naramdaman ko ang malamig na tubig na parang bumuhos sa ulo ko. Imposible... si Ace?
"Halika na!" utos ko kay Willow at nagmadaling makaalis sa lugar na yun.
"Saver? ok. kalang? bakit parang namumutla ka?" tanong ni Willow.
Hindi ako kumibo.
Biglang may narinig akong naglalaro sa loob mismo ng gym.
"Halika... si Ace yata yung naglalaro... pakilala kita" alok ni Willow.
Naramdaman ko ang pagtulo ng malamig na pawis sa mukha ko.
"Saver?" tinitigan ako ni Willow.
"Willow? please, halika na..." pakiusap ko.
"Bakit? napano ka?" tanong niya sakin.
Hindi na ko nakakibo.
"Saver?" tawag mula sa likuran.
Parang ayaw kong lumingon. Pero familiar ang boses niya.
"Saver Pare? anong ginagawa mo dito?" sabay akbay niya sa balikat ko.
Paglingon ko nakahinga ako ng maluwag. "Bree? anong ginagawa mo dito?" tanong ko.
"Naglalaro kami ni Lie" sagot niya.
"Bakit dito kayo naglalaro?" tanong ko. "Mas maayos naman ang gym sa loob ng campus ah?
"Oo... pero... ewan ko ba kay Lie, mas gusto daw niyang magpractice dito, para daw tahimik, alam mo na... magugulo at maiingay ang mga fans" paliwanag niya.
"Ok... sige, enjoy" sagot ko nalang.
"Wait Pare... why don't you join us" alok nito.
"Uy... Saver? ikaw pala yan, halika na samahan mo kami" sabay hila sa kin ni Hay.
"Marunong kang maglaro ng basketball?" tanong naman ni Willow na hindi ko sinagot.
BINABASA MO ANG
My Sweet Voodoo Doll
De TodoWhat will happen if a cool and hearthrob man will accidentally open his sixth sense? And he will meet a very weird, unattracted and annoying ghost. Moreover... it so happen that this ghost needs to follow every command of the man who freed her...