WILLOW POV
I just can't believe it na ang isang tulad niya... hinalikan ako? Ang isang multong tulad ko?
Nakakaloka... akala ko hindi ko na mararamdaman ang ganitong emotion dahil multo na nga ako. Pakiramdam ko first kiss ko talaga to, hindi ko lang kasi talaga matandaan kung nagkaboyfriend ako nung nabubuhay pa ko.
"Let's go? My sweet voodoo doll" ngiti nito sakin. Tumila na ang ulan...
"Ah... ok..." utal ko pa.
Napangiti siya. "You're still blushing" asar niya. "Is that your first kiss?" tanong niya.
Napasimangot ako... "malay ko..." sagot ko sabay yuko.
"Ganun ba?..." iniangat niya ulit ang ulo ko at hinalikan ako ulit pero smack lang. "Atleast I'm sure na ako ang unang humalik sayo bilang multo" sabi nito.
"Oo nga..." hiya ko pang sagot. "Halika na nga... umuwi na tayo, baka nagugutom ka na, isa pa malalim na ang gabi" sabi ko.
"Ok." sabay akbay sakin.
Pero nung makalabas na kami ng templo, bumitaw siya sa pagkakaakbay dahil may mga nakasalubong kaming mga monghe.
May isang matandang monghe na ang sama ng tingin kay Saver.
"Problema nito?" bulong ni Saver.
Bago kami tuluyang makalabas ng templo. Humarang sa dadaanan namin ang masungit na monghe.
"Alam mo sana ang ginagawa mo... hindi pwedeng magkasama ang buhay at patay" bulong nito kay Saver at... sakin? nakikita niya ko?
"Hwag ho kayong mag-alala... gagawa po ako ng paraan" sagot ni Saver.
"nababaliw ka na ba ijo?" sagot ng matandang monghe.
"Siguro po... dahi kabaliwan naman talaga ang mahalin ang isang multo hindi ba?" sagot ni Saver na tumitig din ng masama sa monghe.
"Kung ganun... basbasan ka nawa ni Buddha" paalam nung matandang monghe.
Hinila ako ni Saver. Hindi na siya kumibo hanggang pag-uwi.
Sa bahay nadatnan pa ni Saver ang daddy niya.
"Ginabi ka yata anak?" tanong nito.
"Oo nga po... kayo din po? late na po yata kayo nakauwi?"
"Oo eh... ang dami kasi naming inaasikaso, lalo na dun sa case nung isang pamilya... matagal-tagal na din naghahanap ng katarungan para sa nangyari sa anak nilang babae" sabay iling ng daddy niya.
Napatango lang si Saver. Alam ko namang hindi nga siya mahilig makinig sa mga case na hinahawakan ng daddy niya. Dumiretso lang ito sa kusina. Gumawa ng sandwich at kumuha ng one glass of milk.
"Yan alng ang kakainin mo sa dinner?" tanong ko.
"Yup!" bulong lang nito sabya upo sa dining room.
Masarap ng natutulog ang kapatid ni Saver pati na ang mga alaga nito. Pumasok ang daddy nito.
"Anak... pwede bang ipaggawa mo din ako ng sandwich?" pakiusap nito.
BINABASA MO ANG
My Sweet Voodoo Doll
RandomWhat will happen if a cool and hearthrob man will accidentally open his sixth sense? And he will meet a very weird, unattracted and annoying ghost. Moreover... it so happen that this ghost needs to follow every command of the man who freed her...