SAVER POV
Mabigat uloy ang bag ko dahil dinala ko ang laptop ko. Pagdating sa school.
"Hey wazzup?" bati agad ni Ace at kasama na si Leo. Akalain mo yun parang kahapon lang sila nagkakilala pero parang close na yata sila?
"Willow, sumama ka nalang muna sa kanila sa club house at mag aattend muna ako sa first subject ko" utos ko.
"Weh? talaga?" tanong pa ni Willow.
"Kailagan ko munang pasukan yun, baka ma drop out ako at masermunan nanaman ni Mommy at ni Clov.." hindi ko naituloy ang pangalan niya. Nung mapansin kong nagkakagulo ang mga students...
Sumisipol ang mga lalaki at lumalakas ang bulungan ng mga babae.
"Clover?" tanong ko nung nakalapit na siya sakin.
"Good morning Saver, goodmorning Mr. Montero" bati nito samin. "At kung sino mang spiritu ang kasama niyo... good morning" medyo mataray nitong sabi.
Ang laki ng pagbabago niya... Halatang nagpa straight ito ng buhok at nagpakulay... At naglagay sya ng make up?
"Woah? ang ganda pala ni Ms. Dela Cruz kapag naayusan" mangha ni Leo.
"O ano ka ngayon Saver? ganda ng bestfriend ko diba?" pang-aasar ni Keyt.
Napatingin silang lahat sakin.
"Sino bang nagsabing pangit ka nuon?" tanong ko sabay walk out.
Nawala ang mga ngiti ni Clover. "hindi mo nagustuhan ang pagbabago ko?" tanong nito.
"So ginawa mo nga yan para sakin, at hindi para sa sarili mo?" tanong ko.
Hindi siya nakakibo.
"Ang sungit mo talaga noh!" sigaw sakin ni Keyt.
"Huy Saver... maapreciate mo naman sana ang effort ni Clover para sayo..." singit ni Hayley at syempre kasund na niya ang magkakambal na si Lie at Bree.
Napailing ako. Dahil pakiramdam ko ako nanaman ang kontrabida dito. Akala ko ba ako ang bida dito?
"Look Clover... sana ginawa mo yan para sa sarili mo at para i- welcome mo ang ibang tao sa buhay mo... dahil kung ginagawa mo lang yan para sakin. I'm sorry, dahil mas gusto ko padin ang Clover na childhood friend ko" sagot ko at sabay talikod.
Habang naglalakad ako sa hallway nakasunod padin sila sakin.
"Hindi mo ba ko titigilan Clover?" medyo pasigaw ko pang tanong. "Please stop following me! nagseselos ang girlfriend ko!" napatingin pa ko kay Willow.
"Uy hindi ah..." depensa naman nito at namula as if naman maririnig siya ng iba.
Natawa tuloy si Ace.
"Mr. Sarmiento! hwag ka ngang masyadong feeling dyan! nagkataon lang na pareho tayo ng dadaanan, at palibhasa kasi madalang kalang pumasok sa mga subjects mo hindi mo naalala na classmate mo ko sa World Literature subject!" sigaw sakin ni Clover. At Nauna na siyang naglakad sakin.
BINABASA MO ANG
My Sweet Voodoo Doll
RandomWhat will happen if a cool and hearthrob man will accidentally open his sixth sense? And he will meet a very weird, unattracted and annoying ghost. Moreover... it so happen that this ghost needs to follow every command of the man who freed her...
