WILLOW POV
Pagkatapos naming kumain ng breakfast.
"O what time ka uuwi?" tanong ko.
Napasimangot siya.
"Aba? Saver... kailangan mong umuwi ok. For sure naga-aalala din ang family mo sayo" paalala ko.
"ok. fine... maya-maya uuwi na ko, pag dumating na sila Tita Sabina o kaya si Jamie ok." sagot niya.
Napatango nalang ako. NAsan naman na ba kasi ang maharot kong pinsan.
Tumunog ang phone ko. At mahigit isang taon ko na din palang hindi ito binubuksan. Kung sabagay, iilan lang naman ang mga taong nakakaalam sa number ko. Si Mama, Jamie, Lorkan at Ayana.... at....
"Hello?" alanganin ko pang sagot. Grabe? alam pa pala niya ang number ko. Ilang taon na din nung umalis siya ah?
NApansin kong nagtataka at nagaalala din sa kin si Saver.
"Willow?... I'm so happy to hear your voice again" bati niya.
"Papa?..." tanong ko. Ang totoo hindi ko alam kung anong una kong sasabihin. Itatanong ko ba kung kumusta na siya? o bakit buhay ka pa?
"Makinig ka anak... hwag muna kayong maglalalabas ni Jerome (Jamie)" babala niya.
"ho? bakit po?" taka ko.
"Mamaya ko na ipapaliwanag anak... kasama ko ngayon ang mama mo, pauwi na kami dyan" sabi nito na parang natataranta.
"Po? ano? kasama niyo si mama?" taka ko.
Wow! just wow! ganun lang ba kabilis yun? wala muna bang sigawan at gyerang mangyayari? at nakakaloka? uuwi na kami dyan? yun talaga ang sinabi niya?
"Willow? are you ok...?" sabay alalay sakin ni Saver at pinaupo muna ko.
I'm just speechless.
"Papa mo ang tumawag sayo? o ano daw?" tanong ni Saver.
Bago pa ako nakasagot. Nagring ulit ang phone ko.
"JAmie? nasan ka na bakla? umuwi ka na agad at may ikukuwento ako!" sabi ko.
Nagblush si Saver. "Willow?... I think mas ok kung hwag mo nalang sabihin sa pinsan mo ang nangyari satin"
Nanlaki ng mga mata ko at gusto kong ipakain sa kanya ng buo ang cellphone ko.
"Baliw ka! syempre hindi ko yun ikukwento noh... yung about kay Papa ang sasabihin ko!" sigaw ko.
Natatawa pa ang loko.
"hello? bakla?" balik ako sa kausap ko.
"Hey? my dear sis, relax... kumusta ka na? so it's true, gising ka na?" boses yun ni...
"Kaeja? bakit na sayo ang phone ni Jamie?" taka ko...at may halong kaba.
"Pinahiram lang sakin ito ng dear cu'z ko" sagot niya.
"Talaga lang ha? naku hwag ka na ngang magpaligoy ligoy pa bruha ka? nasan na si Jerome! ?" medyo pasigaw ko ng tanong.
BINABASA MO ANG
My Sweet Voodoo Doll
DiversosWhat will happen if a cool and hearthrob man will accidentally open his sixth sense? And he will meet a very weird, unattracted and annoying ghost. Moreover... it so happen that this ghost needs to follow every command of the man who freed her...