Nagtitilian nanaman ang mga babaeng to... parang daig pa nila ang kinurot sa singit.
"Hi Saver...." lakas loob bati nung isa.
I just look at her... and then nahimatay siya...
Pucha... kainis... sakit sa ulo.
Nilapitan ko siya... but when I saw she is smiling, for sure she's gonna be fine.
Damn... buti nalang nga at wala pang tumitirik ang mata o naaatake, dahil kung nagkataon, magiging kriminal pa ko. At talagang paninindigan ko ng hwag ng pumasok sa school nato.
"Calling of attention of Mr. Saver Sarmiento, please proceed to Dean's office" sabi ng announcer ng secretary ng Dean.
Lahat ng mga mata nasakin nanaman. Mga kinikilig na babae na hindi ko malaman at kung bakit nakangiti pa sila... Dean's office ang sabi hindi ba? ito ang opisina sa school na ikukumpara mo sa prisinto!
Paulit-ulit pa ang pag-aanounce ng nakakairitang babaeng announcer na to.
Parang gusto kong hagisan ng granada ang speaker ng school.
Pagdating sa opisina ng Dean. Pumasok agad ako.
"My god Mr. Sarmiento... don't you even know how to knock?" sermon agad ng mataray na Dean. Kilala ito sa pagiging hot dean... dahil sa bukod sa bata pa nga ito, talaga namang napaka fashionista niya. She has this long wavy hair and yup... sexy body.
Lumabas ulit ako... at kumatok.
"Come in..." sagot naman niya.
Parang tanga lang... kainis...
Pagpasok ko ulit nasa tabi niya ang secretary niya... isa din itong student sa school na to. Isang napakamanang naman na 19 years old na student.
"Hoy Saver... ayusin mo naman yang polo mo... at ang buhok mo, pwede ba magpagupit ka at magsuklay!" sermon ng nakakairitang babaeng to.
Inirapan ko lang siya.
Pak! sound effect ng makapal niyang notepad sa mukha ko.
Natawa naman ang Dean.
"Ano bang problema mong babae ka!" sigaw ko.
"Calm down ijo... " pigil agad ng Dean. "Clover... ija... hayaan mo muna kaming magusap nitong si Saver" sabi nito sa secretary niyang nakakairita.
"Ok. Mam, basta sabihan niyo lang ako kung kailangan niyo ng back up para sa mokong nato!" sungit pa ni Clover.
"Don't worry ija... I can handle him... I can handle my own son..." ngiti naman ng Dean. Or I should say... Mom.
"Ok. Tita Shiela... kayo na po ang bahala sa pasaway niyong anak" sabay irap sakin.
Paglabas ng nakakairitang childhood friend ko.
"Anak... bakit hindi ka naman sumali sa kahit na anong club sa school? dati-rati naman napaka active mo sa mga club activities ah?" tanong niya, sabay hubad ng malinaw niyang salamin.
"Napakaboring na kasi..." sagot ko.
"and most of your professor are complaining dahil madalas nagca-cutting class ka?" tuloy nito.
"Present naman ako sa lahat ng exam ah? which I always get perfect score" pangangatwiran ko.
Nagbuntong hininga ito... hinawakan ang ulo.
BINABASA MO ANG
My Sweet Voodoo Doll
DiversosWhat will happen if a cool and hearthrob man will accidentally open his sixth sense? And he will meet a very weird, unattracted and annoying ghost. Moreover... it so happen that this ghost needs to follow every command of the man who freed her...
