Chapter 28: Mask

304 20 5
                                    

SAVER POV

Pagmulat ng mga mata ko... halata sa mga mata niya ang pag-alala...

"Saver?... ok. ka naba?" tanong niya. Nakalapat ang ulo ko sa lap niya.

"Anya?..." bulong ko.

"Hay naku ikaw talaga... hindi ka na nagbago, sabi ko naman sayo ingatan mo sarili mo" pagpapaalala niya.

Pagtayo ko, nakatitig lang din si Willow at Ace at nandito din si Leo. Napansin kog nasa clubhouse pala kami.

"Mabuti nalang at dumating kami nitong kaibogan mong si Leonard kasi natataranta ng husto si WIllow, at hindi alam ang gagawin niya" natatawang sabi ni Anya.

Parang may halong pilit lang ang ngiti ni Willow.

"kung sabagay,talagang wala naman talaga siyang magagawa kasi too bad multo nalang siya" sabi ni Anya.

Nakakapanibago ang mga salitang binibitawan niya? alam ba niyang nakaka-offend yun?

Walang imik lang si WIllow.

"Halika na WIllow... let's go home." sabay alok ko sa kanya ng kamay ko. "Thank you pala Anya, pasensya na sa abala" sabi ko.

"Ehem..." nagpapansin si Leo.

"Thanks Pare" sabi ko.

Paglakad ko palabas.

"See you around Saver..." pahabol na sabi ni Anya.

Napalingon ako sa kanya... nakita ko ang napa creepy nyang smile. Sapalagay ko ako lang ang nakapansin nun.

"What are you up too?" tanong ko.

"What do you mean?" ngiti nito.

"Bakit ka bumalik?" tanong ko.

"Wag ka namang masyadong feeling dyan... hindi naman ikaw ang binabalikan ko eh" sagot niya.

"Willow! halika na nga!" utos ko. Kusang gumalaw ang katawan niya.

She looks confused.

Huminga ako ng malalim.

"Willow, kung gusto mong magstay dito kasama sila Ace at Anya, ikaw ang bahala... hindi na kita pipilitin sa ayaw mo" sabay talikod sa kanya at dire-diretso na kong naglakad.

"Saver? bakit kasi kailangan mo pang maglihim?" tanong niya. "Ano na ba ang mga nalalaman mo tungkol sakin?"

"I'm sorry Willow, pero kasalukuyan ko palang talagang inaalam ang tungkol sayo, at wala naman akong balak itago ito sayo... ayoko ko lang maligaw o magwala ang kaluluwa mo" paliwanag ko.

"Gusto mo pa ba kong tulungan?" tanong nya.

"Alam mo... buong buhay ko, hindi ko pinangarap na sundan ang yapak ng Dad ko at ng kapatid ko pero... ngayon lang ako naging determinadong humanap ng kasagutan sa sa isang pangyayaring naghahanap ng hustisya" sagot ko.

Hindi siya umimik.

"Makinig ka Willow, alam kong hindi nagkataon lang kung bakit tayo nagkakilala... pinapangako ko na tutulungan kita para mahanap ang nakaraan mo, bukod pa dun... gusto kong humanap ng paraan para maputol ang sumpa sayo" sabi ko.

My Sweet Voodoo DollTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon