Chapter 12: Injustice

365 28 1
                                    

SAVER POV

                    Nagpout nanaman ng husto ang labi niya at tumambok nanaman ang pisngi nito. 

                   Nakurot ko nanaman tuloy... at mas lalo siyang namula sa inis. 

                   Hanggang sa makarating kami sa bahay... hindi siya kumikibo, halatang naguguluhan siya sa sinabi ko. 

                   Habang nagluluto ako ng dinner. NAkikipaglaro lang si Willow sa mga alaga ko.

                 "Saver?" tawag nito.

                  Sabi ko na nga ba hindi din nito matitiis magtanong.

                 "O bakit?" kunwaring sagot ko.

                   "Anong ibig mong sabihin kanina? about kay Anna?" tanong niya.

                    Nagbuntong hininga ako.

                  "Hindi naman bago sakin ang naikwento niya... kilala ko ang pamilyang Montero, what I mean is... dito na kasi ako lumaki, never ko silang naging close. Pero dahil sa trabaho ni Papa, may mga ilang pagkakataong nakakausap niya ang family ni Anna" simula ng paliwanag ko.

                Seryoso na siyang nakikinig sakin.  Umupo ako sa dining room. 

                "5 years ago... ang natatandaan ko nga may nagpakamatay nga daw sa park, pero dahil hindi ako tulad ni Hero mahilig makiusyoso sa mga ganung balita... hindi ako nagkainteres malaman ang totoong pangyayari. Ang alam ng lahat at pati sa balita... nagpakamatay nga ang panganay na anak ng Montero Family, mga kilalang lawyers, they even said... na lulong sa drugs ang anak nila... pero ang totoo, may foul play ang balita. At kahit si Dad alam niya yun dahil sila ang nagimbestiga ng pangyayaring yun. Pinatay si Anna... " seryosong tinitigan ko si Willow.

                  "Pinatay?... sino pumatay?" halos pabulong niyang sabi.

                  "My Dad tried to figured it out... but, mismong pamilya niya ang nakiusap na hwag na daw pagkaabalahan ang kasong yun, hayaan nalang daw na maniwala ang mga taong nagpakamatay nga ang anak nila" sagot ko.

                "WHAT the F!!!" sigaw niya. 

                 Napataas kilay ako.

            "Sorry for my words... pero... Why? bakit naman ganun? GOD! anak nila ang pinaguusapan, tapos... tapos... abogado pa sila, pero sila mismo ang may gustong ipagtakpan ang totoong pangyayari!!!" gigil nito. 

                   Napangisi ako... she's right. 

               "I don't know... but for sure kaya hindi nakakatawid ang multong si Anna ay dahil sa humihingi padin ito ng hustisya at hindi dahil sa nagpakamatay siya" sabi ko.

                   "Pero bakit kailangan din ilihim ni Anna ang totoo? I mean bakit hindi nalang niya inamin satin na pinatay siya?" tanong nito.

                "I tried to asked her some question right?" tumango siya. " I guess...dahil baka buong akala niya talaga nagpakamatay lang siya. When they examined the body, positive nga na nakadrugs si Anna, at maraming bali-balita na matagal ng nagaatempt mag suicide ang babaeng yun" paliwanag ko. 

              Nalungkot ang mga mata niya. 

               "Willow? you ok?" tanong ko.

               "Uhmmn... yeah... kaya lang nakakaawa padin siya, ano kaya talaga ang totoong nangyari sa kanila?" tanong niya.

                 Napailing ako... tapos napangiti nalang ako.

My Sweet Voodoo DollTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon