SAVER POV
Hindi na din namin naabutan ang klase ko sa History.
"Excuse me... nakita niyo ba si 4E?" tanong ko sa isang classmate kong babae na hindi ko matandaan ang pangalan.
Natulala pa ito. At itinuro pa ang sarili kung siya ang kausap ko.
Nung tumango ako... nahimatay pa siya sa kilig. Napailing pa ko.
"Let's go..." utos ko kay Willow.
"Uy ano ka ba? hindi mo man lang ba tutulungan yung babae? kawawa naman baka sipunin yun, nakahandusay sa sahig" tanong ni Willow.
"Hayaan mo siya" sagot ko.
Naglakad-lakad ako sa campus, pero talagang hindi ko siya makita.
"Hoy Saver... " sigaw ni Keyt.
Umiwas ako sa kanya. Pero hinabol niya ako.
"Ano ba kasi ang mga sinabi mo kay Clover... lagot ka, ang sama talaga ng loob niya" babala niya.
"Do I need to be scared?" sarcastic kong tanong.
"Ano bang problema mong tao ka, manhid!" sigaw nito.
"Hey... KD relax sweetie..." pigil sa kanya ni Bree. What? Sweetie? kaylan pa?
"Pwede ba Bree! hwag mo nga kong tawaging sweetie!" namumulang sigaw ni Keyt.
Natatawa lang si Bree.
Dumiretso na kong naglakad.
"Nakakaaliw naman yung dalawa na yun? mag jowa ba sila?" tanong ni Willow.
"I don't know..." bulong ko.
Speaking of magjowa... heto na sila Lie at Hay.
"O ano nagsorry ka na ba kay Clover?" tanong ni Hay.
"Naku si Saver pa? ang taas ng pride ng taong yan" pangaasar ni Lie.
"He's right" sagot ko sabay iwan sa kanila.
Nanahimik sila... pati si Willow. Nakatitig lang siya sakin.
"Ano ba yun? ano bang gusto mong sabihin?" tanong ko.
"Wala..." halos pabulong niyang sabi. Pero napansin kong malugkot ang mga mata niya.
What a day...
Bumili ako ng sandwich at coffee sa canteen... dumiretso ako sa likod ng campus, sa dulo kung saan walang tao. Tahimik...
Habang kumakain, binuksan ko ang black book at sinusubukang pag-aralan ang mga nakasulat dito. Simula ng mabuksan ang third eye ko, nagkainterst ako sa libro. Tahimik lang din si Wilow.
"Bakit tahimik ka?" tanong ko.
"Ayaw mo ng maingay kapag gutom ka noh?" ngiti nito.
BINABASA MO ANG
My Sweet Voodoo Doll
AléatoireWhat will happen if a cool and hearthrob man will accidentally open his sixth sense? And he will meet a very weird, unattracted and annoying ghost. Moreover... it so happen that this ghost needs to follow every command of the man who freed her...