Chapter 8: Witch

358 22 3
                                    

Am I having a nghtmare nanaman ba ha?

"Sige na kunin mo na yung libro sa balon" utos ko.

"Wow! bossy ka talaga ha?" sagot pa niya. Pero kusang gumalaw ang katawan niya at tumalon nga sa balon.

"Ang dilim... wala ka bang flash light?" sigaw niya.

"Wala eh..." sagot ko.

Nagsimula na kong maglakad palayo sa balon. Para makatakas nadin sa nakakairitang babaeng ito. Nakita ko na ulit ang hagdan... so far hindi naman siya sumusunod sakin. Pagakyat ko.

Nakakapit ito sa binti ko.

"F***!" sabay tumba ko.

Gumapang ito palapit ng mukha ko at tinitigan ako... mas magulo ang buhok nito ngayon... at ang mga mata niya... shit!

Isinampal niya sakin ang libro.

"O ayan na ang libro!.... wala ka naman sigurong takasan ako hindi ba?" taas kilay niya.

'W...Wa..wala... noh! gusto ko na kasing mag.c.r..." palusot ko nalang.

"O.k... sige halika na" siya na ang unang umakyat.

Napailing ako.

Ano ba to? seryoso ba talaga ang multong to?

PAgbalik ulit sa may templo. Nakatingin sakin lahat ng mga monghe, lumapit sakin yung matandang monghe na nakita ko kanina.

"mukhang nakita mo naman pala ang hinahanap mo eh" ngiti niya.

Nakikita din nila ang multong ito?

"Bakit hindi ka nalang sa kanila magpatulong?" tanong ko kay Willow.

"Gustohin man nila... hindi din nila kaya... isa pa hindi ko naman sila nakakausap eh" sagot ni Willow.

"Ijo... sana matulungan mo siya..." pakiusap ng matandang monghe.

"kilala niyo po ba ang multong ito?" tanong ko.

"Ilan lang sa amin ang totoong nakakakita sa kanya, pero wala ding silang kakayahang kausapin siya. Tanging ang malungkot nyang mukha ang lagi lang naming napapansin at naririnig ang pag-iyak niya" paliwanag ng monghe.

Malungkot at umiiyak... parang hindi namang halata sa kaluluwang ito na malungkot siya.

"Una na po ako" paalam ko. "I mean.. kami po pala"

Biglang tumalos sa likod ko si Willow na parang bata.

Kahit kaluluwa ito parang naramdaman ko ang bigat niya. At parang nasakal ako...

"Ano ba?!" sigaw ko. "Bumitaw ka nga!" utos ko.

Kumalas ng kusa ang kamay niya at napaupo siya sa sahig. Sumimangot siya ng husto.

"Ang sungit mo!" sigaw nito.

"Ang kulit mo!" sigaw ko din.

"Ehemn... ijo... " saway sakin ng mga monghe.

"Pasensya na po... sige po, alis na po kami" sabi ko.

Habang naglalakad pabalik sa may parking lot.

My Sweet Voodoo DollTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon