A/N
Guys... paki support din yung fist ever story ko na Moon My guardian ghost, same genre lang siya nitong My Sweet Voodoo doll. Forte ko talaga ang mga ganitong flow ng story eh... mystery/horror/comedy/kilig moments=)
Paki vote po and comment and suggestion din po=) THANKS!!!!
****************************************************************************************
CLOVER POV
Ang bruhang to talaga... bulong ko nalang sa sarili ko.
"Kasalanan mo yan, hindi ka kasi makunteno sa kung anong meron ka na... makasarili at ambisyosa ka din eh!" gigil ko. Gusto ko pa sana siya ulit sabunutan... pero pinipigilan ako ni Ace, kahit hindi ko siya nakikita alam kong siya yun. Sa totoo lang nakakapangilabot pala kapag malapit ka sa isang kaluluwa. Pero mas nakakapangilabot ang bruhang babaeng to!
"Anya... please I'm begging you, bawiin mo na ang sumpa sakin" pakiusap ni Saver.
Pero hindi sumagot si Anya.
Nung maramdaman ko ang pagkawala ni Ace sa braso ko. Mabilis kong sinampal ulit si Anya. Sa lakas ng sampal ko kulang nalang mahiwalay ang ulo nito sa leeg niya. Nakakapagtaka lang... hindi siya gumaganti sakin.
"Stop... Ms. Clover... please" bulong sakin ni Ace... unti unti nagiging malinaw siya sa paningin ko.
Pagtingin ko ulit kay Anya... She's crying.
Hindi ko alam kung maawa ako o maaasar. Napapano ba kasi siya? para na talga siyang nababaliw. Pero ang totoo nasasaktan akong makita siya ng ganito, naging matalik ko parin siyang kaibigan. Ano bang nangyari samin?
Nilapitan siya ni Saver.
"Anya... please, tigilan mo nato" pakiusap ulit ni Saver.
"Anya... nasan na si Willow, pakawalan mo na din siya please" pakiusap din ni Ace.
Habang umiiyak... umiiling lang si Anya.
Bigla siyang hinawakan ni Saver sa braso ng mahigpit at kinuyog.
"Stop this now!!! Anya! tigilan mo na kami" sigaw nito. "Bawiin mo na ang sumpa samin!"
"I can't!" iyak ni Anya. "Hindi pwede... hindi na pwede" hagulgol niya.
Napayuko si Ace.
"Anong ibig mong sabihing hindi na pwede?" tanong ni Saver.
"Anya... what have you done?" malungkot na sabi ni Ace.
"What is it Ace?" tanong ni Saver...
Hindi pa man nakakasagot si Ace.
"Saver... anak..." pumasok ang Dad ni Saver.
"Bakit po Dad?" tanong ni Saver.
"Uhmmn... ano kasi... si Willow Alcantara...." namumutla ang Daddy niya.
"Ano pong nangyari kay Willow?" alalang tanong ni Saver.
BINABASA MO ANG
My Sweet Voodoo Doll
RandomWhat will happen if a cool and hearthrob man will accidentally open his sixth sense? And he will meet a very weird, unattracted and annoying ghost. Moreover... it so happen that this ghost needs to follow every command of the man who freed her...
