WILLOW POV
Hindi kumibo si Saver nung mabanggit ko ang pangalang Ace.
"Kumain ka muna ng almusal" utos ko.
"Sa school nalang" sagot niya.
Humarang ako sa daraanan niya.
"Kumain ka muna... baka mamya magsungit ka nanaman at kung sino nanaman ang masaktan mo ng hindi sinasadya" paalala ko sa kanya.
Kumunot ang noo niya. Patay! Me and my big mouth naman kasi noh... Sasaniban nanaman siya nito ng napakasungit na spiritu.
"Fine..." sagot niya sabay diretso sa kusina.
Napatingin ako kina Hershey at Ash.
"Aba? masunurin yata ngayon ang amo niyo?" tanong ko sa kanila.
Nagwiggle ng husto ang buntot ni Hershey na para bang sumasangayon siya sakin. Samantalang ang tamad na pusang si Ash naghikap lang at humilata nanaman...
Pagbalik ni Saver, ipinakita pa niya ang babaunin.
"Ano ka bata? cookies ang ababunin mo?" tanong ko pa.
"Oatmeal cookies, si mommy ang nagbake... this is enough" sagot niya.
Napatango nalang ako.
"O ano tara na?" anyaya nya.
Sumunod nalang ako sa kanya.
Pagdating sa school.
"Goodmorning Willow, goodmorning pare" bati agad ni Leo na nakaabang sa may parking lot ng school.
"Goodmorning Leo" bati ko. Tumango lang si Saver.
Habang naglalakad kami sa campus. Nagbubulungan ang mga students, kinikilig naman yung iba.
Biglang may nagflash sa harapan namin. Flash mula sa camera ni Keyt.
"KD... ano ba?" saway agad ni Saver.
"O bakit? nakakatuwa kasi kayong dalawa ni 4E, kaylan pa kayo nagkasundo?" tawa nito.
"Is it true pare? na magkasama kayo sa iisang club niyang si nerdy?" tanong naman ni Lie.
Siniko siya ng girlfriend niyang si Hay. "Mind your words baby" taas kilay sa kanya ni Hay. "sorry Mr. Leonard ha" ngiti nito kay Leo.
"Ok. lang yun Ms. Hay" sagot naman ni Leo na nagblush pa.
"O wait... isang shot pa oh... bakit ang labo ng mukha mo dito Saver?" taka ni Keyt nung makita ang resulta nung picture.
Napatingin sakin si Saver. Nag peace sign ako. Dahil ako siguro yung nakuhanan ni Keyt, kaya malabo yung isang parte ng picture.
Napangiti naman si Saver.
"Ok. kalang Pare? yo0u seems so happy today?" tanong ni Bree.
BINABASA MO ANG
My Sweet Voodoo Doll
RandomWhat will happen if a cool and hearthrob man will accidentally open his sixth sense? And he will meet a very weird, unattracted and annoying ghost. Moreover... it so happen that this ghost needs to follow every command of the man who freed her...