Chapter 11: Lost

346 26 3
                                        

WILLOW POV

Napa-oo ko din si Saver na tulungan namin ang babae dun sa park. Nakakaawa naman kasi talaga siya. Bilang kaluluwa mas malaya naman ako sa kanya.

Bumalik kami sa park matapos kumain ng lunch si Saver. Iniwan nanamin si Hershey dahil sobrang init.

"Tanghaling tapat? magpapakita ba satin yun?" tanong niya.

"Oo naman... yun din kasi ang maling paniniwala ng mga tao, akala nila gabi lang o sa madilim na lugar nakakagala ang mga multo" sagot ko naman.

Nakasuot ito ng cap, grabeh ang gwapo naman nang lalaking to? ang swerte ng jowa niya. Napahinto ako...

"O bakit?" tanong niya. "Bilisan mo at ang init..." sabay punas sa pawis niya. Shock... ang hot niyang tingnan.

"Oo nga pala Saver, matanong ko... may girlfriend ka ba?" tanong ko.

Napatingin lang siya sakin.

"Bakit mo natanong?" masungit na tanong niya .

"Wala naman... curious lang ako... kasi sa gwapo mong yan for sure madami ka ng napaiyak na babae. Ang swerte at malas ng girlfriend mo" sagot ko.

"Swerte at malas?" taas kilay niya.

"Oo ang swerte dahil sa dinami-dami ng nagkakagusto sayo... sya ang pinatulan mo, malas dahil kaylangan niyang magtiis sa pagseselos dahil sa dami parin ng babaeng humahabol sayo... ganun..." sagot ko.

Napangiti siya. Yung ngiting parang ang yabang!

"O ano? may girlfriend ka ba?" tanong ko ulit.

"Sa ngayon... wala..." sagot niya.

"ah... o.k... nakailang girlfriend ka na Saver? siguro hindi mo na mabilang noh?" tanong ko ulit.

Napailing siya.

"I just had one..." sagot niya. Sabay iwas tingin sakin.

"O anong nagyari... nagkahiwalay kayo? dahil?" kulit kong tanong.

Patay! baka saniban nanaman ito ng kasungitan. Bawiin ko nalang ang tanong.

"Sorry Saver ha? ok lang kahit hwag mong sagutin" sabi ko.

Napangiti lang siya. "nasabi mo na kanina ang reason... swerte at malas nga siya hindi ba? hindi niya nakayanan ang pagseselos kaya nakipagbreak din siya sakin" sagot niya.

"Ah... o pagkatapos nun hindi ka na nagka girlfriend ulit?" tanong ko ulit.

"Sakit sa ulo lang yan" sagot niya at tuloy tuloy ng naglakad.

Nakarating na kami sa park, dahil siguro sa sobrang init wala din tao... ang tahimik, at rinig mo ang ihip ng mainit na hangin. Dumiretso kami sa may puo kung saan nagpakamatay yung babae. Tumingala kami sa puno pero wala ang multong gala.

"O ano na? wala naman siya" irita na niya. "we're just wasting our time" sabay punas ulit ng pawis niya. Pagtalikod niya.

" Oh hi!" bati ko sa multong babae na napakalungkot ng mata. "ako nga pala si Willow multo din ako, at ito si Saver, uhmnn, baka may maitulong kami sa iyo" alok ko.

My Sweet Voodoo DollTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon