Chapter-13

333 26 0
                                    

"A..anong ginagawa mo?"


Tuluyan niya nang nasira yung manggas ng damit ko. W*lang h*yang Zander to' akala ko mukha lang siyang rapis ngayon pala totoo.


Umusog ako palayo sakanya para hindi niya ako magawan ng masama pero bawat paglayo ko ay siya namang paglapit niya sakin. Nung wala na akong mahakbangan ay bigla din siyang huminto at tinanggal niya yung jacket niya.


Naghanap ako ng kahit anong pwedeng ihampas sakanya at tanging tabo yung nandun.


"Subukan mong lumapit sakin!"


Hindi siya natinag dahil lumapit parin siya sakin kaya hinampas ko siya ng tabo sa ulo. Sa lakas nun para siyang nahilo.

Biglang nanlisik yung mga mata niya at kinuha niya sakin yung tabo.


"Ano sa tingin mo yung ginagawa mo?" Tanong niya sakin.


Hinawakan niya yung dalawa kong kamay at isinandal niya ako sa pader. Napa impit ako dahil sa sobrang sakit. Sisipain ko sana siya pero naipit niya na yung mga paa ko gamit ang mga binti niya. Malakas lang siya dahil nanghihina yung kabila kong braso pero kung magaling lang to kanina ko pa siya napatumba.


"Bitawan mo ako."


"Tingin mo ba may gagawin talaga akong masama sayo?"


Tinignan ko siya sa mukha at napaka seryoso niya.


"Kung wala eh bakit mo ako hinuhubaran?"


"Dahil naisip ko na baka kaya ka namumutla ay dahil sa pasa mo at hindi nga ako nagkakamali."


Ibinaba niya yung mga kamay ko at tinaggal niya na rin yung pagkaka ipit sa paa ko. Pinasuot niya sakin yung jacket niya saka niya yun i-zinipper hanggang sa leeg, pagkatapos ay hinawakan niya yung kamay ko at lumabas kami ng c.r.

Habang naglalakd kami ay tinitignan kami ng mga tao at pinag-uusapan. Wala ako sa mood makipag-away ngayon kaya hindi ko sila papatulan kahit na ano pang sabihin nila. May araw din sila sakin.


"Sakay."


"Ano? bakit nama--"


Hindi niya ako pinatapos magsalita at itinulak niya na ako sa loob ng kotse. Pasalamat talaga siya at hindi ko maigalaw yung kabila kong kamay. Nakakagigil siya!!


"Saan tayo pupunta?" Tanong ko pero wala akong nakuhang sagot mula sakanya. S*ra ulo talaga to ah. Hindi nga ako nirape kinidnap naman ako.


Bigla ko na namang naramdaman yung pananakit ng buong braso ko.


"Bakit ba kasi hindi ka nagpunta sa ospital kahapon? Hindi ba uso sainyong mahihirap yun?"


"Ospital? Wala ka ng pakielam doon."


"Alam mo bang pwedeng maputulan ka ng braso dahil jan?"

Three Nice Words [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon