Chapter-37

188 6 0
                                    

Pag gising ko nandito ako sa clinic at nakita ko yung nurse na may ginagawa sa computer. Bumangon ako pero biglang nanakit ang kamay ko, saka ko lang nakita na may benda pala ito. Pinagmasdan ko ang kamay ko saka ko naalala yung nanguari kanina.

"Oh Ms. Alex gising ka na pala. Kukuhanan lang muna kita ng temperature."

Tinignan ko ang orasan na nasa pader at alas singko na ng madaling araw, kailangan kong mag undertime para maka uwi ako ng maaga. Kailangan kong makita ang mga anak ko.

"Naku nasa 39° pa ang temperature ninyo, magpahinga muna kayo."

"Salamat pero uuwi na lang ako ng maaga." Pagkatapos ay bumangon ako at nagpunta sa locker ko, sakto naman na nag text si Eros sakin. Nireplyan ko siya at sinabing pauwi na ako. Nagreply naman siya at sinabing susunduin daw ako. Hindi na ako nag reklamo at hinayaan ko na lang siya, mamayang 5:30 na lang siguro ako bababa. Gusto kong puntahan si Zander pero hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sakanya. Paano kapag nalaman niya ang totoo?? Mas lalo lang sumasakit ang ulo ko kapag iniisip ko yun. Bumalik muna ako sa office at nag bilin ako sa assistant ko sa mga gagawin niya saka ako nagpaalam kina Lexi at Rose.

"Magpagaling ka te ah."-Rose

"Oo, salamat. Una na ako."

Nagtungo na ako sa elevator at hinintay ko lang itong magbukas. Habang nandito ako ay nananalangin ako na sana ay hindi gawin ni Zander ang sinabi niya na ilalayo niya sakin ang kambal.
Pagbukas ng elevator ay pumasok na ako sa loob. Kinuha ko ang phone ko para itext si Eros na pababa na ako nang may biglang pumasok sa elevator at nasagi niya ang kamay ko kaya ayun nalaglag ang phone ko. Dinampot niya ito at ibinalik uli sakin.

Zander..

Kinuha ko ang phone ko saka ko pinindot yung open button sa elevator pero huli na ang lahat dahil saradong sarado na ang pinto.

"Oh bakit parang takot na takot ka? May tinatago ka ba sakin?"

"At ano naman ang itatago ko sayo?" Inis na sabi ko sakanya. Mabuti na lang talaga at hindi ako nautal nang sabihin ko yun.

"I dunno."

Hindi ko na lang siya sinagot at papkit akong sumandal sa elevator dahil nga masama parin ang pakiramdam ko. Pagkarinig ko sa tunog ng elevator ay iminulat ko ang mga mata ko at lalabas na sana ako nang bigla niya akong hilain uli papasok. Sa paghila niya sakin ay nagdikit ang katawan namin, para siyang naka yakap sakin o talagang naka yakap siya sakin.

"Anong ginagawa mo?" Sabi ko sakanya sabay tulak ko kaya lang ay masyado siyang malakas at ako naman ay nanghihina dahil sa pananakit ng katawan ko kaya parang walang silbi ang pagtulak ko sakanya.

"Nasa 7th floor palang tayo."

Tinignan ko ang ilaw na may numero sa itaas at oo nga nasa 7th floor palang kami. Pero bakit hindi niya parin ako binibitawan? "Ngayong alam ko na na nasa 7th floor palang tayo, pwede mo na akong bitawan."

"Ayoko."

Yun lang ang sinabi niya at sapat nang dahilan yun para tumingala ako at tignan ko siya, kaya lang sa pag angat ng ulo ko ay nag nagdikit ang mga labi namin. Sinubukan ko siyang itulak pero wala rin akong nagawa hanggang sa hindi ko namalayan na sumasabay na ako sa paghalik niya. Oh my!! Anong nangyayari sakin?? Bakit para akong na hi hypnotize sa halik niya?? Bakit parang ayoko ring tumigil??
Maya maya pa ay biglang tumunog ang elevator at doon lang siya humiwalay sakin, pareho kaming humihingal at nagkunwaring parang walang nangyari. Inayos ko ang sarili ko bago pa man magbukas ang pintuan at pagkatapos ay nauna na akong lumabas. Narinig ko pang tinawag niya ang pangalan ko pero hindi ko siya pinansin at mabilis akong naglakad palabas. Sh*t Alex!! Bakit mo ginawa yun?? Napaka tanga mo talaga!! Hindi ka na nagbago!! Halos sabunutan ko na ang sarili ko dahil sa nangyari kanina, manuti na lang at nakita ko si Eros sa labas ng kotse niya at may kausap uli ito sa phone niya, naka talikod siya sakin kaya hindi niya pansin ang pagdating ko. Inayos ko ang sarili ko at pilit na kinalimutan ang nangyari kanina.
Habang papalapit ako ay bigla akong nahinto sa narinig ko mula sakanya.

Three Nice Words [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon