Chapter-25

224 10 0
                                    


Alex' POV

Pag gising ko ngayong umaga phone ko agad ang tinignan ko at hindi naman ako na disappoint sa text na nabasa ko.

From: Mokong

[As I open my eyes this morning, all I want to see is you my love. Have a beautiful morning. Hugs and kisses.]

Nireplyan ko naman siya agad tapos naligo na ako. Ang saya ng gigising ka araw araw ng may inspirasyon, hindi naman sa wala talagang inspirasyon dahil nanjan naman si nanay. Kaya lang.. iba kasi talaga yung feeling kapag NAGMAMAHAL ka. Ah basta! Hindi naman ako cheesy kaya ayokong magmukhang Alien sa paningin niyo. Basta masaya ako!

At ayun na nga kasi, matapos ang ilang linggo kong pahinga ay babalik na ako sa school. Ang sabi ko kay Zander hihinto na lang ako pero sabi niya kinausap na raw niya yung mga prof ko at sinabing okay lang daw na humabol ako. At isa pa hindi naman ako nahuhuli sa mga discussion dahil kada punta ni Zander sa ospital ay dinadalhan niya ako ng notes. Ewan ko nga kung kanino notebook yung mga yun, pero ang galing kasi complete notes!

"Alex mahuhuli ka na sa school mo!"

Tinignan ko ang relo sa dingding at mag aalas siete na pala! Jusme, dis oras pala akong nagising?? "Opo anjan na!" Hindi ko na sinuklay ang buhok ko at kinuha ko na yung bag pack ko at isinukbit ko na sa isa kong balikat. "Aalis na po ako nay."

Humalik ako kay nanay saka ako kumuha ng dalawang pandesal at nagmadali na akong lumabas. Paglabas ko ay napahinto ako sa pagtakbo dahil may mamang masungit na naka sandal sa magandang kotse at naka tingin ng masama sa akin.

"Hindi mo ba alam kung anong oras na?" Masungit na tanong niya sakin.

"At kailan ka pa naging concern sa oras?"

Naglakad na ako palapit sakanya.

"Palagi akong concern sa oras."

"Osige sabi mo eh." Sus! Kung hindi ko na lang sana alam, palagi nga siyang late sa school tapos papasok siya kung kailan niya gusto. No wonder, ilang beses siyang bumalik kahit na sila pa ang may ari ng school.

Binuksan niya yung pintuan para makapasok ako sa loob at sumunod din siya.

"Pahalagahan mo nga yung oras. Kapag gusto mo ang aga mong nagigising."

?????

Problema neto?? Ang aga aga ang sungit sungit, parang kaninang umaga lang ang sweet niya tapos ngayon menopause na??

"Bakit ba ang sungit mo?"

"Hindi mo alam?"

Umiling ako sakanya. Itatanong ko ba kung alam ko? Sira ba tong mokong na to??

Kinuha niya yung phone niya sa bulsa niya at may kinalikot siya doon tapos hinarap niya sakin at may pinabasa siya.

[Same to u.]

Ahhh yun pala yun. Nanahimik lang ako dahil doon. Eh paano ba naman kakagising ko lang kanina at wala pa ako sa wisho ko jan.

"Ang dalang mo na nga mag reply ganyan pa sasabihin mo. Wala ka man lang ka sweet sweetan sa katawan mo."

"Ano bang gusto mong i-reply ko sa'yo?"

"Kahit ano, basta yung mga sweet thoughts. Tapos lagyan mo ng lambing sa dulo."

"Ok."

Kinuha ko yung phone ko saka ko siya tinext. "Oh ayan na tinext na kita." Binasa niya yung text ko at parang mas lalo pa yata siyang nagalit.

"Ano ba to? Pinag ttripan mo ba talaga ako Alezzandra?"

"Aba iba na to ah. Tinatawag mo na ako sa buong pangalan ko?"

Three Nice Words [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon