Chapter-15

255 22 0
                                    

"Alex saan ba kasi tayo pupunta?"

"Ay naku nay huwag ka ng magtanong at magbihis ka na lang."

"Bakit hindi mo pa kasi sabihin kung saan tayo pupunta?"

"Nay naman eh. Nag tanghalian na ba tayo?"

"Hindi pa. Oo nga ala una na."

"Ayun naman pala eh. Edi magbihis na kayo. Sa labas na tayo kakain."

Ang kulit ng nanay ko diba?? Madalang na nga lang lumabas ang dami pang tanong. Napag pasyahan ko na kasi na wala akong sisiputin sa dalawa dahil hindi naman ako obligadong siputin ang kahit sino sakanila. Mag de-date nalang kami ng nanay ko.

Ilang oras pa ang nakalipas at lumabas na din siya suot ang nag iisa niyang pedel pants at tinernuhan ng puting blouse.

"Tara na at baka magbago pa ang isip mo--Alex?? Ikaw ba yan?"

Tinaasan ko si nanay ng kilay. Bakit ba??

"Tumayo ka nga."

Nagtataka akong tumayo at pinaikot niya ako sa harap niya. "Ano ba nay? Para naman kayong nakakita ng diwata. Ako lang to nay."

"Babaeng babae ka ngayon ah. At kailan ka pa natutung magsuot ng maiksing short?"

"Ngayon lang to nay. Tara na nga."

Tsss! Kahit naman ako hindi ako sanay sa suot ko eh. Kung hindi lang ako nilibre ng damit ni Anica, hindi ko talaga susuptin to.

Simple lang naman yung suot ko eh. White short, pink sleeveless na mejo nakatago yung braso at rubber shoes saka ko tinernuhan ng sling bag. Eeeeew! Masyadong girly, hindi ako sanay. Pero sabi nga ni nanay ngayon lang to at date naminto kaya I wore my best!

Kumapit na ako sa braso ni nanay at tumawag na ako ng tricycle at nagpahatid na kami sa mall.

Pagdating doon agad kaming pumunta sa Jollibee. Umorder ako ng chicken, spaghetti, fries, softdrinks at burger.

"Aba ang dami naman niyan Alex. Baka mamaya wala ka ng pera."

"Nay kumain na nga lang kayo. Mura lang dito kaya madami akong nabili."

Inilapag ko na lahat ng inorder ko at nagsimula na kaming kumain ni nanay. Habang kumakain siya pinagmamasdan ko siya, ang saya niya at halatang halata yun sa mga mata niya.

"Oh kumain ka na at baka lumamig pa yan."

"Opo."

Kumain na rin ako at inubos na namin yung kinain namin. Sana may camera yung phone ko para sana makapag selfie kami, kaya lang waley eh. Tsk!

Namasyal kami at nag ikot ikot pa sa mall. Maya-maya naghanap ng cr si nanay, sinamahan ko siya at hinintay sa labas. Habang naghihintay dito binuksan ko yung phone ko. Pinatay ko kasi kaninang bago kami umalis ni nanay.

*Inbox full*

"ANO?"

At sino naman kaya ang nagtext sakin ng san damakmak?? Tinignan ko yung mga messages at halos galing yun kay Zander. Bwiset na to ah! Pasasabugin pa ata yung cellphone ko. Dinelete ko na yung mga messages niya at may mga pumapasok padin. W*lang hiya talaga ang mokong na to ah. Mareplyan nga.

'Balak mo bang pasabugin ang cellphone ko? Huwag ka ng--'

Hindi ko na natapos yung tinatype ko dahil biglang lumabas si nanay mula sa cr.

"Oh bakit magka dikit na naman ang kilay mo? May inaway ka na naman ba?"

Dinelete ko na yung tinatype ko at pinatay ko na lang yung phone ko.

Three Nice Words [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon