Chapter-33

177 4 0
                                    

Pagkatapos naming kumain ay bumalik kami sa kwarto namin para manood ng movie. Ay mali, hindi pala movie kundi cartoon.😑😑 Hindi na muna kami lumabas dahil sobrang busog namin at sobrang init din kasi sa labas. Habang nanonood ng non stop cartoon ay hindi ko namalayan na naka idlip na pala ako at bigla lang akong nagising dahil narinig kong nag vibrate ang phone ko.
Tinignan ko kung sino ang nag text, hindi registered ang phone number pero tinignan ko kung sino ang nag text.

<Alex, magkita tayo sa labas ng hotel in five minutes may sasabihin ako sayo. Yoona.>

Biglang tumaas ang isa kong kilay. At ano naman kaya ang kailangan sakin ng babaeng to??
Tinignan ko si Eros at knock down ito kasama ng dalawang bata. Dahan dahan akong bumangon saka lumabas ng kwarto. Sa totoo lang ayokong pumunta pero bigla lang kasi akpng na curious dun sa sasabihin daw nya.

Papunta ako sa elevator nang makasalubong ko si Zander. Sh*t! Sa dinami dami ng mga dapat makaka salubong bakit sya pa?
Dumiretso lang ako na para bang wala akong nakita pero nagulat ako nang hilain niya ako sa braso at sapilitang napa harap sakanya.

Hindi ko alam kung ano ang iniisip nya. Bakit ganito sya maka titig sakin?? Para akong isang prey na handa nyang kainin anumang oras nya gustuhin. Kapag ganito ang titig niya parang gustong manlambot ng mga tuhod ko at bumigay na lang. Pero hindi! Hindi mo kailangang maduwag sakanya Alex, halos anim na taon na rin ang lumipas at hindi na ikaw ang dating Alex na kilala nya.

"Bitawan mo ako." Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para sabihin yun sakanya pero nagpapasalamat ako dahil hindi gumaralgal ang boses ko.

"Ganyan ka ba makipag usap sa boss mo?"

Tinaasan ko sya ng kilay. "Hindi kita boss." Hinawakan ko ang kamay niya at tinanggal ko ang mahigpit na pagkaka hawak nya sa braso ko. "At kahit kailan hindi kita magiging boss." Aalis na sana ako pero bigla siyang nagsalita.

"Matapang ka parin hanggang ngayon, mas lalo ka bang tumatapang dahil kasama mo si Eros?"

Humarap ako sakanya para sagutin sana siya pero hindi ko napansin na malapit na pala siya sakin at naunahan niya akong magsalita. "Kawawang Eros, nagpapaka tanga sa isang marumi at mukhang perang gaya mo."

Tumagos sa puso ko yung sinabi niyang yun. Gusto kong magsalita pero mas minabuti kong tumahimik na lang. Ang taong sarado ang pag iisip na gaya niya ay walang pakikinggan na tama kaya imbes na magalit ay ikinuyom ko na lang ang mga daliri ko para pigilan ang sarili ko.

"Sabihin mo nga sakin.. Hinigitan niya ba yung ibinayad ko sayo noon? Mas ginalingan mo ba sa--"

Hindi ko na siya pinatapos at mabilis na dumapo ang kamay ko sa mukha nya. "Wala kang alam sakin pati na rin sa mga pinagdaanan ko kaya tumahimik ka." At ngayon ay nanginginig na ang boses ko sa galit. Gusto kong umiyak pero hindi sa harapan niya kaya mabilis akong tumakbo papunta sa elevator at doon ay bumagsak ang mga luha kong kanina pa nakikipag unahan sa paglabas.

Napaka sama niya! Pano nya nasabi sakin ang mga bagay na yun? Hindi man lang niya ako nirespeto pati na rin yung pinagsamahan namin noon. At isa pa, anung karapatan niya para idamay si Eros sa galit niya sakin?? Naiinis ako sa sarili ko dahil minahal ko ang gaya niya. Naiinis ako dahil sinira ko ang buhay ko sakanya at higit sa lahat naiinis ako dahil siya ang ama ng mga anak ko.

Pinunasan ko ang mga luha ko at nagpunta ako sa malapit na cr para makapag hilamos bago bumaba. Sa nangyari parang ayoko nang kitain si Yoona dahil baka mamaya kung anu ano na naman ang masabi niya at mag away pa kami, kaya lang may kailangan akong kumpirmahin sakanya. Pagkatapos kong ayusin ang sarili ko ay bumaba na ako at nakita ko siyang naghihintay sa gilid ng hotel.

Three Nice Words [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon