Chapter-16

276 25 2
                                    

"Waaaaaaaah! Inaantok pa ako." Nag unat unat ako at nag exercise habang naglalakad ako papuntang school.

Hindi agad ako natapos sa trabaho kaya ayun puyat na puyat na naman.

Pagdating ko sa school ay dumiretso agad ako sa 1st subject namin kahit maaga pa, matutulog na muna ako doon para kahit papano hindi ako late.

Ilang oras ang naka lipas at isa isa nang nagsi datingan ang mga maiingay kong kaklase at aunod ang teacher namin. Sinulat ko na lang lahat ng mga diniscuss niya para may basahin ako pag break at pagkatapos nun nagpa quiz siya.

Lalabas na sana ako pagkatapos nang bigla niya akong tawagin.

"Miss Mendrez, pwede mo bang i-check ang mga papers ng mga kaklase mo? Nauna ko nang i-check ang papel mo ang you've got a perfect score."

"Ayoko po sir, trabaho niyo yan." Tamad na sagot ko sakanya dahil inaantok pa nga ako. Saka na ako lumabas ng room niya.

Ibang klase din ang prof na yun ah. Sinasahuran tapos akong papag checkin niya sa mga quiz ng namin?? okay lang siya??

Habang papunta ako sa next subject namin ay may bumangga sakin. Ang tigas ng balikat nun ah! Pagtingin ko nakita ko sa Tasha kasama ang mga alipores niya. Naka tingin silang lahat sakin pero hindi ko na sila pinansin at naglakad na lang ako.

"Aba! Ang kapal talaga ng mukha ng babaeng yun! May araw ka rin saamin!"

Bahala kayo sa buhay niyo! Marami pa akong dapat problemahin kesa sainyo.

Next subject namin, Rizal. Naboboring na din ako sa subject na to dahil nabasa ko nang lahat ng libro tungkol sakanya at ang masasabi ko lang napaka babaero niya at ayoko sa mga gaya niya.

Bigla tuloy akong may naalala dahil sakanya. Sigh..

Sa kalagitnaan ng klase biglang dumating ang gtupo ni Zander kasama siya at mukhang wala siya sa mood dahil salubong na naman ang kilay niya. Pero sa bagay, palagi namang salubong ang kilay niya at wala nang bago doon.

Umupo sila sa may likuran at hindi ko alam kung ano na namng kabulastugan ang ginagawa nila doon.

Natapos ang subject namin na yun ng walang masamang nangyayari. Himala atang matino sila ngayon??

Inayos ko na yung gamit ko at sinukbit ko na sa balikat ko yung backpack ko. Kinuha ko na yung mga libro ko at lalabas na sana nang may mambato ng ballpen sa ulo ko. Tinignan ko yung mga kaklase ko at nagtatawanan sila.

"S*ra ulo tong mga to ah." Bulong ko at lalapitan ko na sana yung grupo ng mga nagkukumpulan sa may gilid nang biglang tumayo si Zander at kinwelyuhan yung isang lalake.

"Sorry na Zander hindi ko naman sinasadya eh. Tinamaan lang siya, sa basurahan ko naman talaga yun itatapon eh."

"Magsorry ka sakanya." Utos niya dun sa kaklase namin saka ito lumapit sakin.

"Sorry Alex hindi ko sinasadya."

Tumango ako saka takot na takot na bumalik yung kaklase namin sa pwesto niya.

"Sorry uli Zander, hindi na mauulit."

"Siguraduhin mo."

Pagkasabi niya nun ay umalis na silang lima sa room namin na parang wala lang. Tinignan ko uli yung mga kaklase namin saka na ako lumabas.

Woah! Akala ko papatulan niya talaga yun.

Habang naglalakad ako sa hallway ay nakita ko si Tasha at kasama ang mga alipores niya. Dire-diretso lang akong naglakad at hindi ko sila pinansin.

Three Nice Words [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon