Chapter-32

185 8 0
                                    

"Mama ang ganda po dito. Dito na po ba tayo titira?" Tanong saakin ni Yesha. Sasagot sana ako pero biglang nagsalita si Eros.

"Kung gusto niyo dito na tayo titira."

"Woooow!! Gusto ko po Papa!"

Nagpababa siya saka tumakbo sa buhanginan kasama si Aki.


"Dahan dahan lang mga anak, baka madapa kayo." Kakasabi ko palang nin ay nadapa na nga si Yesha. Lalapitan ko sana siya pero kaagad siyang tumayo at nakipag habulan uli sa kuya niya.

"Ang kukulit talaga ng mga batang to."

"May pinagmanahan kasi." Sabi ni Eros saka ako tumingin sakanya. Pinisil niya ang ilong ko saka niya ako hinalikan sa noo.

"Ikaw ba papayag kang tumira dito?"

"Nag popropose ka ba?" Biglang sabi ko. Syeeet hindi ko sinasadyang sabihin yun at gusto ko nang sampalin ang bibig ko dahil sa pagiging padalos dalos nito.

"Hindi."

Parang binasag ang buong pagkatao ko sa sinabi niya. Naka ngiyi naman ako pero parang may dissapointment parin akong naramdaman. Wag kang mahpa halata Alex! Kaya mo yan.

"Alam ko naman yun. Ikaw pa? Eh napaka torpe mo. Mauna na ako sa loob ah, magbibihis lang ako. Gusto ko na kasing mag swimming eh."

Mabilis akong lumakad papunta sa hotel pero huminto ako nang maalala ko ang mga bata. "Paki tignan na muna ang mga bata." Pagkasabi ko nun ay mabilis uli akong naglakad. "Sino ba naman kasing nagsabi na umasa ka." Bulong ko sa sarili ko bago ako pumasok sa hotel. Sh*t nakakahiya ka Alex!! Kainis!


*Blag*


"Waaaaaaaah!" Biglang umiyak yung bata na naka bunggo sakin dahil natumba siya. Hindi ko siya napansin shemay! Kaagad ko naman siyang nilapitan at itinayo.

"I'm sorry baby, hindi ko sinasadya." Iyak parin siya ng iyak at tinatawag niya ang Mommy niya. Sa tantya ko kasing edad lang siya nila Ayiesha at Aki.

"Scarlet? Scarlet what happen?"

Biglang lumapit saamin ang isang babae at kahit na ilang taon na ang lumipas ay natatandaan ko pa ang hitsura niya. "Yoona?"

Tinignan niya ako at parang gulat na gulat din siya.


"Alex.. What are you doing here?"


Hindi ako kaagad naka sagot sa tanong niya dahil sa gulat.


"Mommy! That woman bumped me!"

"I know honey, stop crying."


Pinunasan niya ang luha ng bata. Teka, tama ba ako ng dinig? Mommy siya ng bata?

Sa pagkaka alam ko mas matanda ako kay Yoona ng tatlo o apat na taon. Napaka bata naman yata niyang nabuntis?

"Daaaaaaady!!"


Itinuro ng bata ang ama niya saka naman ako lumingon sa tinawag niyang Daddy..

Para na akong estatwa dito sa kinauupuan kong sahig nang makita ko siya. Sandali din siyang nahinto sa paglakad pero hindi kagaya ko ay agad siyang naka bawi.


"What happened Scarlet?"


"She bumped on me Dad!"


Itinuro ako nung bata na iyak ng iyak. Hindi naman na ako tinignan ni Zander, bagkus ay yumuko siya at binuhat niya ang bata saka niya kinuha ang kamay ni Yoona at ito itinayo. Akala ko ay aalis na sila pero bigla siyang lumapit sa akin.

Three Nice Words [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon