Chapter-41

175 5 0
                                    

"Happy birthday my twins." Ginising ko ang mga anak ko para batiin sila sa kaarawan nila. Kinusot kusot pa ni Yesha ang mga mata niya saka niya ako tinignan.

"Papa dumating na po ba si mama?"

Umiling ako sakanya. "Hindi ko alam kung dadating pa siya."

"Hindi po pupunta si mama?"-Aki

Magsasalita sana ako pero biglang pumasok yung maid dala ang wireless phone.

"Hindi ba kayo marunong kumatok?" Sita ko sakanya.

"Pasensya na sir, may tawag po kasi para sa mga bata."

Kumunot ang noo ko. Sino naman ang tatawag sakanila ng ganito kaaga? "Sino raw?"

"Alex daw po ang pangalan."

"Si Alex.." Mabuti naalala niya pa ang mga anak niya.

"Wow! Tumatawag si Mama." Mabilis na tumayo si Yesha at kinuha ang phone kay manang. Sumunod naman si Aki sakanya. "Hello Mama!" Tuwang tuwa si Yesha nang marinig niya ang boses ni Alex. "Thank you po. Mabuti naman po kami ni kuya. Mama uwi na po kayo dito para magkakasama na tayo ni Papa."

Biglang natahimik si Yesha at pinapakinggan ang sinasabi ng Mama niya. Maya maya pa bigla itong umiyak.

"Bakit nyo po sinasabi yan? Di nyo na po ba kami mahal ni kuya?"


Kaagad akong tumayo at nilapitan ko si Yesha na umiiyak.


"Ayoko Mama! Uwi na kayo ditooooooo!"


Kinuha ko kay Yesha ang phone saka ko yun itinapat sa tenga ko. [Mahal na mahal kayo ni Mama, Yesha. Magpapakabait kayo palagi at huwag ninyong kukulitin ang Papa ninyo.]

"Anong sinasabi mo jan Alex? Anong sinabi mo sa bata, bakit siya umiyak?"

[Zander.. Ikaw na ang bahala sa mga bata. Aalis na ako kasama si Eros.]

"Ano bang sinasabi mo? Birthday nila ngayon."

[I'm sorry Zander pero ngayon yung flight namin ni Eros.]

"What?? So, ipagpapalit mo ang mga anak mo kay Eros? I can't believe this!" Tinignan ko ang mga bata at patuloy parin sa pag iyak si Yesha. Ayokong magtaas ng boses dito kaya lumabas muna ako at nagpunta sa isa sa mga guest room. "I'm telling you this Alessandra, pumunta ka sa birthday ng mga anak mo or else hinding hindi mo na sila makikita." Hindi siya nagsalita. "Ano? Ayaw mo? Hindi ako nagbibiro Alex."

[I'm sorry, Zander..]

"BAKIT HINDI PWEDE?!! ganun ba siya ka importante sayo at nagawa mong ipagpalit ang mga bata?! Nagkamali talaga ako dahil umasa akong may pag asa pa tayo Alex, dapat talaga nung nalaman ko na nagka anak tayo at nilayo mo sila sakin ay hindi na kita pinatawad. Kapag hindi ka dumating ngayon ay ito na ang huling pagkakataon na matatawagan mo sila dahil mawawalan ka na ng komunikasyon sakanila, naiintindihan mo?" Hindi ko na siya hinayaan pang sinagot saka ko na siya binabaan. "Napaka walang puso niya talaga!"





Eros' POV

Pagpasok ko ng kwarto ni Alex ay nakita ko siyang umiiyak kaya mabilis ko siyang nilapitan. "Anong nangyari sayo? May masakit ba sayo Alex? Sandali lang tatawagin ko yung doctor mo." Kinuha ko yung phone ko at tatawag na sana ako pero pinigilan niya ako.

"Ayos lang ako Eros."

"Kung ganun bakit ka umiiyak?" Umiling lang siya at hindi nagsalita, bagkus ay pumikit siya saka bumalik sa pagkakahiga sa kama niya.

Three Nice Words [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon