Chapter-20

233 15 7
                                    

Alex' POV

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako at nagising na lang ako dahil narinig kong sumisigaw si Anica.

"Alex gumising ka dali!"

"Ano ba! Nakikita naman na natutulog yung tao eh!"

"Alex.." Tumatakbo siyang lumapit sakin at parang may ibabalita siyang hindi maganda.

"Ani ba yun? Napaka seryoso ng mukha mo." Bigla akong kinabahan sakanya.

"S..si..si.."

"Sino ba?!" Nabubwiset na ako dito. Pinapakaba ako kaya tumayo na ako at kinuha ko na yung bag ko. "Anong nangyari sa nanay ko?" Tanong ko habang sinisintasan ko yung sapatos ko.

"Wala namang nangyari sa nanay mo Alex.. Kaya lang si.. si Zander.."

Tinignan ko siya ng masama saka ko binitawan ang bag ko. "Kung tubgkol na lang sakanya kalimutan mo na. Nag usap na tayo diba? Hindi mo na siya babanggitin sakin."

Tinanggal ko uli yung sapatos ko saka ako bumalik sa pagkakahiga sa kama niya. Sinabi ko naman sakanya na huwag niyang mabanggit banggit sakin ang lalaking yun dahil wala na akong pakielam sakanya.

"Pero Alex kasi.."

"Tama na yan Anica. Matutulog pa ako."

Tinakpan ko ng unan ang ulo ko saka na ako pumikit.

"Alex.. Nasa ospital si Zander ngayon at nag aagaw buhay."

Napamulat ako ng mata dahil sa sinabi niya.

"Bumangga daw ang sinasakyan niyang kotse habang papunta siya dito para puntahan ka tapos sumabog ito. N..na..naiwan daw siya sa loob at hindi agad na rescue kaya nasa ospital siya ngayon at nag aagaw buhay."

Bumangon ako at tingnan ko si Anica. Napaka seryoso ng mukha niya at parang takot na takot siya.

"Totoo ba yang sinasabi mo?"

Tumango siya. "Nasa labas yung isa niyang kaibigan."

Sinuot ko uli yung sapatos ko at nagmadali akong lumabas. Nakita ko si Jiro na naka upo sa upuan at tumayo ito nang makita ako.

"Alex! Sumama ka sakin sa ospital. Si Zander nag aagaw buhay."

Hindi na ako nakapagsalita at kusa na lang akong sumama. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko, kinakabahan ako na natatakot. Jusko ano ba tong nangyayari?? Kasalanan ko ba yung nangyari sakanya?? Ako bang dapat sisihin?? Jusko wala naman sanang mangyari masama sakanya. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag nagkataon.

"Alex? Alex okay ka lang? Parang namumutla ka ah."

Tinignan ko si Jiro na nagmamaneho ng kotse. "Okay lang ako." Pagkasabi ko nun ay tumingin na lang ako sa bintana. Kinakabahan talaga ako, pakiramdam ko hihimatayin ako.

"Alex kung hindi ka okay ihahatid na lang kita sa bahay niyo."

"Okay lang ako."

Pagdating namin sa ospital ay dumiretso kami agad sa may emergency room at sinabi samin nung nurse na nasa operating room daw si Zander. Agad kaming dumiretso doin ni Jiroat nakita ko na nandoon si nanay sa labas.

Lumapit ako sakanya. "A..anong ginagawa niyo dito nay?"

"Anak, akong may kasalanan kung bakit nangyari sakanya to. Sinabi ko kasi na puntahan ka niya sa bahay nila Anica kaya ayan tuloy naaksidente siya."

"Nay wala kaying kasalanan sa nangyari. Huwag niyong sisihin ang sarili niyo."

"Anak."

Bigla akong niyakap ni nanay.

Three Nice Words [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon