Chapter-36

204 6 0
                                    

"A..anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sakanya habang tinatago ko sa likuran ko ang dalawa. Hindi siya nagsasalita at naka tingin lang siya sa likuran ko. Ito na ang ikinatatakot ko.. Baka malaman niya na anak niya ang kambal. "Kung wala kang sasabihin umalis ka na." Isasarado ko na sana ang gate pero hinarangan niya ito.


"Anak mo ba ang dalawang bata?"


Sa totoo lang sobrang lakas ng kaba ng dibdib ko ngayon, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Ayokong ideny ang mga anak ko pero ayoko ring malaman niya ang totoo. Parang biglang umurong ang dila ko sa kaba.. Hindi ko talaga alam ang sasabihin ko at para akong tanga na na-estatwa dito sa kinatatayuan ko. Next thing I knew is naka luhod na siya at hawak hawak ang pisngi ni Yesha.


"Anong ginagawa mo?" Itinaboy ko ang kamay niya saka ko hinila ang kambal.



"Mama.." Mangiyak ngiyak na si Yesha dahil siguro sa takot.


"Ano bang ginagawa mo dito? Nasa bahay ako kaya pwede ba huwag mo akong istorbuhin? Marami pa akong gagawin kaya makaka alis ka na."


Tumayo siya ng walang sinasabi at naka tingin parin siya sa mga anak ko.



"Siya po yung papa ni--"


Hindi ko  na pinatapos magsalita si Aki at pinapasok ko silang dalawa ni Yesha sa loob. "Maglaro muna kayo sa loob." Hinila ni Aki sa loob ang kapatid niya at ako naman ay hinarap ko si Zander.



"I didn't know that you were married."


Wala ka naman talagang alam sa buhay ko. Gusto kong sabihin yun pero para matapos na lang ang usapan sinabi ko na lang na oo.


"Sinong ama ng mga anak mo?"


Tinignan ko siya at mukha namang wala siyang ideya kaya pinagpatuloy ko na lang ang pagpapanggap ko kahit na kabang kaba ako. "Si Eros." Pagkasabi ko nun ay parang bigla siyang natigilan. Hindi siya mukhang galit pero hindi ko rin mahulaan kung ano ang iniisip niya. "Ano bang ginagawa mo dito? Paano mo nalaman ang bahay ko?"


"I just came to give you this." May inabot siyang Flash drive sakin. "Nanjan lahat ng mga ideas para sa annual party next week."


"Hindi mo na sana hinatid pa. Papasok naman ako mamayang gabi kagaya ng gusto mong mangyari."


"No." Sabi niya habang naka tingin sa may likuran ko. Tumalikod ako at nakita ko ang dalawang bata na naka silip sa bintana. "You can have your 2 days off."


Kaagad ko naman siyang tinignan. Naguguluhan ako, parang kanina lang galit na galit siya sakin tapos ngayon para siyang maamong tupa?


"Kung wala ka nang sasabihin pwede ka ng umalis. Marami pa akong ginagawa."


Tumango lang siya at walang sabi sabi na sumakay sa kotse niya. Aminado ako na sobra akong kinabahan sa presensya nya at muntikan na akong mabuking dahil sa kabang ito.
Hinawakan ang dibdib ko dahil parang bigla akong nahirapang huminga.. Matagal na kitang kinalimitan Zander, bakit bumabalik ka pa?




*Flashback..*

"Anica ano ba?! Hindi nya na kailangang malaman na dinadala ko ang anak nya."



Nandito kami sa tapat ng bahay ni Zander ngayon. Tatlong buwan na ang nakalipas nung mangyari yun saamin at tatlong buwan na rin nang mawala si nanay, pagkatapos ng libing ni nanay ay pumunta ako sa bahay nya pero wala na daw sya at nagpunta na ng ibang bansa at ngayon nga nabalitaan ni Anica sa mga kaibigan nya na bumalik na ito kaya hinila hila nya ako dito.
Hindi pa naman ganun kalaki ang tiyan ko at hindi rin naman halata dahil maluluwang ang mga suot kong damit.



Three Nice Words [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon