Chapter-06

400 37 0
                                    

Naglalakad ako papunta sa school ngayon ng may biglang bumusina sakin. Pagtingin ko si Eros pala.

"Gusto mong sumabay?"

"Ako ba?" Tinuro ko yung sarili ko at nagpalinga linga linga sa likuran ko. Malamang Alex eh ikaw lang naman yung kausap nya diba??

"Oo ikaw nga."

"Sige ba." Papasok na sana ako sa loob ng backseat kaya lang naka lock. Pinagtitripan ba ko ng gung-gong na to?? Sumilip ako sakanya at sumensyas sya na doon ako sa harap umupo. Aaaah.. kaya pala. Pumunta na ko doon at umupo na, kinuha ko sa bulsa ko yung panyo ko att nagpunas ako ng pawis. Grabe lang ha sobrang exercise na yung ginagawa koong paglakad araw araw.

"Ba't ka naglalakad, wala ka bang pamasahe?"

Tinignan ko sya dahil sasagot sana ako sakanya nang mapansin kong naka tingin din sya sakin. O__________O Nanlaki yung mga mata ko nang bigla syang lumapit sakin.. As in malapit at na amoy ko na yung napakabango nyang pabango, teka lang.. Ano bang gagawin nya???

"Seatbelt." Sabi nya at inabot nya yung seatbelt sa may gilid ko. Habang ginagawa nya yun hindi ako kumikilos at para akong tuod dito.

"Ah.. Oo ako na lang." Sabi ko dahil ang tagal nya kasi bagoo maabot yun. Kukunin ko na sana yun nang biglang magkahawak ang mga kamay namin. Bigla tuloy akong natigilan at napatingin sakanya. Agad naman nyang tinanggal yung kamay nya.

"Sorry."

"Oay lang." Ako na yung naglagay nung seatbelt. Umayos na ko ng upo at sya naman pinaandar nya na yung kotse. Anong nangyayari sakin?? Parang nakakapanibago, dati rati kapag ganun yung sitwasyon naghihisterical na ko tapos nanununtok.. Pero bakit ganito ngayon sakanya?? Hindi kaya... Tumingin ako sakanya. "HINDI!!"

"Huh?? Bakit?"

"Ah.. wala." Sabi ko na sayo Alex huwag kang magsasalita ng pabigla bigla, baka isipin nya pa na galing ka sa mental hospital. Teka lang.. at kailan ko pa inisip ang sasabihin ng iba?? ANG GULO MO ALEX!!

"Sorry sa nangyari kahapon, natakot kita."

"Natakot? Sino, ako?? Huh! ako ata si Alex at wala akong kinatatakutan noh." Proud na proud na sabi ko sakanya.

"Tingin mo bastos ako?"

"Huh?? Hindi naman. I just find you arrogant." Arrogant?? ano bang sinasabi ko?? at saan ko naman galing yun?? bahala na panindigan mo na lang.

"Really?" Sabi nya at nakita kong nag half smile sya. "How about Zander?"

"Let's not talk about him. Kapag naiisip ko sya nasisira ang araw ko." Sabi ko at ayun na nga nabwiset na naman ako. Kapag kaasi talaga naririnig ko ung pangalan ng lalakeng yun parang gusto ko syang tgalupan ng buhay at itapon sa pinakamalalim na parte ng dagat.

Three Nice Words [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon