Chapter-08

359 33 2
                                    

Chapter-8

Lumabas na ako ng bar at nakita ko sya na naghihintay sa may parking lot at naka sandal sa kotse nya. Naglakad ako at pinuntahan sya.

“Bakit nandito ka pa?” Bungad na tanong ko sakanya.

“Sabi mo kasi kanina hintayin kita, kaya nandito ako.”

“Ano?” Oo nga sinabi kong hintayin nya ako pero kanina yun nung hinahabol ko sya. Hindi ko naman sinabing hintayin nya ako ng literal. Sira ba siya?

“Halika na. Malayo pa yung lalakarin natin.” Pagkasabi nya nun naglakad na sya at iniwan nya yung kotse nya. Teka! Iniwan nya yung kotse nya?? Tumakbo ako at lumapit sakanya.

“Hoy!” Sigaw ko sakanya, dahilan para huminto sya. Lumapit ako sakanya at humarap naman sya sakin. “Saan ka pupunta?” Pagtatanong ko. Eh  kasi iniwan nya yung kotse nya eh.

“Uuwi na.” Simpleng sagot nya saka sya ngumiti sakin. Oo, ngumiti nga sya. Yung ngiting abot hanggang tenga.

“Para kang tanga.” Sabi ko at umiwas ng tingin sakanya. “Huwag mo nga akong nginingitian, nabubwiset ako.” Naglakad na ako at ganun din naman sya. “Bakit mo iniwan yung kotse mo kung uuwi ka na?”

“Hindi ako pwedeng mag drive, remember lasing ako?”

Ah oo nga pala. Tanga lang Alex?? “Ah oo nga pala!” Huminto ako sa paglakad at  kinuha ko mula sa bag ko yung pera na binigay sakin ni mamu. “Oh.” Humarap ako sakanya at nabot ko sakanya yung pera.

“Ano yan?”

“Bulag ka ba? Ano pa edi pera.”

“Ahhh. Bakit mo ako binibigyan ng pera? Yumaman ka na ba?”

“Sira ka ba? Hindi ako mayaman at hindi pa ako yumayaman. Binigay sakin to ni mamu at ang sabi niya galling daw sayo. Bakit mo ako binibigyan ng ganito kalaking pera? Tingin mo ba sakin isa akong bayarang ba--” Hindi pa ako tapos magsalita nang bigla syang sumagot.

“Hindi. Kahit kailan hindi ko inisip yun.” Seryosong sagot nya.

“Edi kung ganun kunin mo na ito.” Umiling lang sya at nagpatuloy na sa paglakad. “Aba, loko to ah.” Bulong ko sa sarili ko bago ko sya sundan uli. “Hindi ko nga to matatanggap.” Pangungulit ko sakanya habang hinahabol ko sya sa paglakad nya. Huminto sya kaya naumpog ako sa likuran nya. “Aray ko!”

“Ang kulit mo kasi.” Sabi nya at humarap sakin.

Tumingala ako sakanya para harapin sya. “Bakit ka kasi biglang humihinto? Kainis! Kunin mo na to!”

“Uh-uh..”

Umiling sya saka naglakad patawid sa daan. Talaga naman!! Saan ba papunta tong lalake na to?? Pinapahirapan pa ako, kung kinuha nya na sana itong pera na to’ kanina pa tapos ang lahat. Sinundan ko sya sa pagtawid pero bigla akong nahinto ng masilaw ako sa napakaliwanag na ilaw na papalapit sa direksyon ko.

Three Nice Words [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon