Chapter-11

369 29 1
                                    

Nasa isang kwarto ako ngayon dito sa malaking bahay nila Zander. Hanggang ngayon gulat na gulat parin ako sa mga nangyari.

Hawak ko ang labi ko na hinalikan niya kanina.

"Ang tanga mo Alex!! bakit mo hinayaang halikan ka ng mokong na yun?!!"

Pinagsasampal ko na yung mukha ko sa sobrang inis. NAKAKAINIS TALAGA!! Tapos ngayon naka kulong pa ako sa bwiset na kwarto na to.

Pagkatapos kaming mahuli kani--ay teka parang mali yung term ko. Pagkatapos pala niyang mahuli dun sa ginawa niyang paghalik sakin kanina agad siyang kinwelyuhan nung tatay niya at dahil matigas ang ulo niya, iwinaksi niya lang yung kamay nung tatay niya at hinila ako papunta sa kwartong to at saka ako ikinulong dito ng loko.

Masyado nang marami ang atraso sakin ng lalakeng yun. Hindi ko na mapapalampas ang mga ginagawa niya sakin!

"HOY PALABASIN NIYO AKO DITO!!"

Sigaw ko habang kinakatok ko ng malakas ang pintuan.

"GIGIBAIN KO TONG PINTUAN NA TO KAPAG HINDI NIYO PA TO BINUKSAAAAAN!!"

Halos magkanda paos paos na ako sa kakasigaw ko dito pero wala man lang bumubukas ng pintuan na to. Nasaan na ba yung daang daang maid na nagtatrabaho dito kanina?? Huwag niyang sabihing inutusan niya lahat yun na huwag buksan ang pintuan na to?!

Bwiset talaga! inuubos ng Zander na to ang pasensya ko.

Umatras ako at kumuha ng pwersa para gibain yung pintuan. Sinusubukan niya ang tapaang ko? pwes humanap na siya ng taong paggagawaan niya ng pintuan nila.

*Kirk*

Pinatunog ko muna ang mga daliri ko sa kamay tapos yung ulo ko.

"Isa.. dalawa.. Tatlo!"

Eto na ako!!

Tumakbo ako papunta sa pinto..

nang biglang..

nang bigla itong bumukas!

Hindi ko na napigilan ang mga paa ko sa pagtakbo kaya napasubsob ako sa lalakeng kanina ko pa isinusumpa sa isip ko.

ARAY!!

Ansakit nun ah!

Hindi pa ako nakaka recover sa pagkabangga ko sakanya nang hawakan niya ang kamay ko at hilain ako palabas.

"Hoy bitawan mo na ako!!"

Parang wala siyang naririnig dahil diretso parin siya sa paglakad niya kahit na sigaw ako ng sigaw dito wala parin siyang pakielam. Teka anong problema ng lalakeng to?

"Hoy mayabang na gorilla, matching, oranggutan, hali--"

Three Nice Words [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon