Chapter-28

222 10 0
                                    

Pag gising ko hindi ko alam kung nasaan ako. Nasisigurado kong hindi ito ang bahay namin dahil masyadong maganda ang kwaryong ito.

"Alex."

Tinignan ko yung lumapit sa akin at nakita ko si Eros?

"E..eros?" Tatayo sana ako pero biglang sumakit ang ulo ko at nang hawakan ko ito ay may benda.

"Huwag ka na munang bumangon."

Pilit kong inalala ang nangyari at hindi ko mapigilang umiyak.
Lumapit siya sa akin at niyakap niya ako.

"Hindi siya naniniwala sa akin Eros.. Galit na galit siya sakin dahil nagsinungaling ako sakanya.." Iyak parin ako ng iyak.

"Hindi mo siya kailangan sa buhay mo Alex. Kalimutan mo na lang siya."

"Gusto ko siyang makausap Eros, gusto kong magpaliwanag sakanya. Gusto kong sabihin na mali yung nakita niya. Nung nakaraang gabi pagkatapos ihatid yung order nung mga umiinom ay may humilang lalaki sakin at napa upo ako sa lap niya saka niya ako niyakap. Sa sobrang pagkagulat ay hindi ako agad nakapag react kaya nung bumalik ako sa sarili ko ay pinaghahampas ko yng lalaki. Baka yun yung nakita niyang sinasabi niya. Eros hindi ko naman siya kayang lokohin."

"Alam ko at naiintindihan kita. Pero sarado ang makitid niyang utak sa ngayon kaya huwag ka ng magtangkang kausapin pa siya."

Tingnan ko si Eros at ngayon ko lang napansin ang pasa niya sa mukha.

"Bakit ka may pasa?"

"Ah eto? Wala lang to."

"Hindi ako naniniwala. Hindi ka naman mahilig makipag away."

"Kalimutan mo na. Uminom ka na muna ng gamot at magpahinga."

"Huh? Anong oras na ba? Baka kailangan ko nang pumasok sa trabaho." Tatayo na sana ako pero pinigilan niya ako. Ang totoo alibi ko lang yung trabaho dahil ang importante muna sakin ngayon ay maka usap si Zander.

"Inumin mo na muna ito bago ka umalis."

Tumango ako sakanya at kimuha ko yung gamot at ininom. Pagkatayo ko ay naka ramdam naman ako ng antok. "Inaantok pa yata ako."

"Oo, kaya matulog ka na muna."

Nanlambot ang mga paa ko at sa tingin ko naman ay nasalo niya ako dahil wala na akong maalala pagkatapos nun.

Eros' POV

Matulog ka na muna Alex, mas kailangan mo ng mahabang pahinga ngayon. Hinawakan ko ang pisngi ko at naalala ko na naman yung nangyari kanina.

*flashback..*

Nasa ospital ako nung tawagan ako nung taong binayaran ko para bantayan si Alex. Sinabi niya na may kakaibang nangyayari daw sa school at pinag iinitan si Alex, kaya kahit na nanlalambot pa ako ay nagpalit ako ng damit at dumiretso sa school.

Pagdating ko doon ay nakita ko si Alex na may mga pasa at sugat at wala itong malay. Agad akong lumapit sakanya at ginising ko siya pero hindi ito sumasagot. Binuhat ko siya at naglakad ako papunta sa kotse at sinabihan ko yung inutusan ko na dalhin sa bahay si Alex para gamutin dahil may kailangan akong ayusin dito bago ako umalis.

Pumunta ako sa office ng A5 at hinanap ko si Zander.

"Oh Eros, saan ka nanggaling?"

"Nasaan si Zander?" Tanong ko at hindi pinansin ang tanong ni Jiro.

"Pre easy ka lang. Alam mo na ba yung balita?" Tanong ni Brent.

"Oo nga. Nagtatrabaho pala sa bar si Alex.?"

Three Nice Words [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon