Chapter-27

219 10 0
                                    

Eros' POV

Pag akyat nila ay nakita ako ni Zander at hindi ko sigurado kung nakikita niya si Alex, naka talikod siya sa mga ito at natatakpan ng isang malaking halaman na decoration dito sa kwarto.

Kumaway saakin si Yoona pero hindi ko siya pinansin dahil nakay Zander ang atensyon ko. Papunta na sana siya sa direksyon namin pero lumapit yung waiter sakanya at may binulong saka sila huminto. Tumingin pa uli sakin si Zander bago sila tuluyang bumaba.

Binitawan ko na si Alex at halatang gulat na gulat siya dahil sa ginawa ko.

"I'm sorry Alex.." Alam ko magagalit ka sakin dahil sa ginawa ko, pero mas magagalit ako sa sarili ko kapag nakita na naman kitang umiyak dahil sakanya.

"Umuwi na tayo.."

Sinabihan ko yung waiter na dalhin sa likod yung motor ko dahil hindi pa daw umaalis sina Zander. Ang sabi ko iuuwi ko na lang siya pero ang sabi niya papasukan pa daw niya yung iba niyang subject.

Pagdating sa school ay agad siyang bumaba at naglakad papunta sa kabilang building.

"Eros! Thank you sa pagkain."

Kumaway siya saka ngumiti saakin. Alam mo yung fake na smile? Yung malungkot na siya pero ngumingiti parin siya. Sabi nga niya, ngiting China.


3 days later..

Alex' POV

Nandito ako ngayon sa last subject ko at gumagawa ako ng reviewer ko para sa mga iba kong subjects, malapit na kasi yung midterm namin at kailangan ko itong paghandaan lalo pa at hindi ako makakapag review ng maayos sa bahay.

Maya maya pa dumating yung A5 at ngayon kasama na nila si Zander. Tinignan ko siya at dinaanan niya lang ako ng tingin at parang hindi niya ako nakita dahil nag dirediretso lang siya sa upuan niya sa likuran.

Ano bang problema niya??

Tinignan ko siya at para akong hangin na hindi niya nakikita. Ganun na ba ako ka invisible sa paningin niya??

Dumating yung prof namin at nagsimula na siyang mag discuss. Buong oras akong nandito pero parang wala namang pumapasok sa utak ko. Gusto ko siyang kausapin para linawin ang tungkol sa aming dalawa pero kinakabahan naman ako sa magiging sagot niya.

"Mendrez!"

Agad akong napatingin kay prof nang tawagi niya yung pangalan ko. "Po?"

"Kanina pa kita tinatawag. Ang lalim naman ng iniisip mo."

"Sorry po."

Nasermonan tuloy ako ng wala sa oras. Ipinilig ko ang ulo ko saka ko itinuon ang pansin ko sa discussion. Mag focus ka Alex! Kalimutan mo muna siya.

Pagkatapos ng dalawang oras sa subject namin ay nagmadali akong ayusin ang mga gamit ko. Nakapag desisyon na ako at kakauspin ko na siya. Kinuha ko na yung bag ko at isinukbit ko ito sa balikat ko.

"Za--" Tatawagin ko na sana siya pero hindi yun natuloy dahil biglang dumating si Yoona at tinawag siya.

"Oppa!"

Tinignan niya ito saka siya ngumiti at lumapit dito. Tama ba ako ng nakita? Nginitian niya talaga yung Yoona na yun?? Ano namang ibig sabihin nun??

"Ang tagal niyo naman. Kanina ko pa kayo hinihintay sa labas. Tara na?"

Kumapit sa balikat niya yung Yoona saka na sila umalis.

"Alex okay ka lang?"

Lumapit sakin si Brent pati yung tatlo. Ngumiti ako sakanila saka ako tumango. "Oo naman, okay lang ako. Okay na okay." Saka na ako naglakad palabas ng room. Okay lang talaga ako. Bakit naman hindi diba? Okay ka lang Alex, okay lang na balewalain ka niya, okay lang na tignan ka niya kung kailan niya gusto, kausapin kapag naisipan niya at higit sa lahat okay lang na magmukha kang tanga sa relasyong hindi mo alam kung nag eexist pa. OKAY LANG TALAGA.

Three Nice Words [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon