Chapter-29

224 9 0
                                    

WARNING!! This chapter is mejo
rated SPG. Means bawal ang bata, green minded at bastos. Only open minded people.

SHEMAY!! Pagpasensyahan nyo kung hindi ganun kaganda dahil wala pa akong experience sa ganito, humugot lang sa mga nababasa ko ehehe. Chaka hindi naman ganun ka bastos. Basta basahin niyo na lang.

Alex' POV

"Si Zander? Hindi mo parin ba binubura ang number niya hanggang ngayon?"

Umiling ako. Hindi ko pa binubura yung nimber niya pero hindi ko naman soya tietext oh tinatawagan.

"Akin na nga yan!"

Kukunin niya sana yung selepono ko pero bigla akong tumayo at nagpunta sa cr para hindi niya ito makuha sakin. Ni lock ko yung pinto saka ako huminga ng malalim bago ko sana ito sagutin pero huminto ito sa pag ri-ring.

"Mabuti na rin siguro yun, kesa naman marinig ko na naman ang boses ng mokong na yun. Baka mamaya hindi ko pa siya matiis."

Pinihit ko na yung doorknob at lalabas na sana ako nang bigla uling tumunog ang selepono ko at pangalan na naman niya ang lumitaw dito. Hindi ko alam pero agad ko itong sinagot.

Hinihintay ko siyang magsalita pero walang nagsasalita sa kabilang linya.

"Hello?"

[...]

"Kung hindi ka magsasalita ibababa ko to'."

Handa na sana akong ibaba ang tawag niya pero bigla siyang nagsalita.

[Aleshandra Mendresh.. Nashan ka?]

Bakit ganito ang boses niya? Lasing ba siya??

[Puntahan mo ako sha bahay ko.. ngayon din..]

"At sino ka para utusan ako?"

[Ako?? Ako lang naman shi Alexshander the great! ang lalaking niloko mo!]

"Kausapin mo ako pag matino ka na."

[Pumunta ka dito shabi eh! Magkano ba kailangan mo? Babayaran ko ang gabi mo, puntahan mo lang ako..]

Hindi ko na siya sinagot pa at ibinaba ko na ang tawag niya. Napaka sama niya! Paano niya nasasabi sakin ang bagay na yun?? Sa lahat ng tao siya pa.

Paglabas ko ay muntikan pang matimba si Anica sa kinatatayuan niya dahil nakikinig pala ito sa usapan namin.

"Hoy kailan ka pa naging reporter?"

"Ah.. wala, kanina lang. Anung napag usapan niyo ni Zander?"

"Nak?"

Pareho kaming napalingon ni Anica kay nanay at agad din kaming lumapit dito.

"Nay kumusta ho kayo? Ano pong masakit sainyo?" Hindi siya umiimik.

"Si.. Z..zan..zander?"

Pareho kaming nagkatinginan ni Anica. "Wala po siya dito nay." Sagot ko sakanya.

"K..kayo pa.. ba anak?"

Ano bang sasabihin ko sakanya?? May sakit siya at baka ma stress pa siya kapag nalaman niyang hiwalay na kami, pero kailangan niya ring malaman yung totoo.

Magsasalita na sana ako pero bigla siyang umubo na may kasamang dugo. "Nay!" Agad kong ponindot yung emergency button at agad namang dumating yung mga nurse at doctor niya. Binigyan siya ng paunang lunas at kung ano ano pang ginawa sakanya.

"Ikaw ba ang anak niya?"

"Opo doc ako nga po. Ano pong nangyayari sakanya??"

"Kailangan niya nang ma operahan dahil lumalala na ang karamdaman niya."

Three Nice Words [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon