Chapter-09

398 31 3
                                    

Chapter-09

Nanlaki yung mga mata ko nang makita ko yung mga kasama niya na nasa likuran niya. Agad ko siyang tinulak 

"Mukhang totoo nga yung balita pre na break na kayo ni Tasha."-Jiro

"Oo nga. Eto ba yung bago mong chick?"-Liam

 "Alis na." Bulong niya sakin.

"An--"

"Male-late ka na sa trabaho mo." Dugtong pa niya.

Trabaho? ay oo nga pala! kailangan ko nang pumasok sa trabaho ko. Tinignan ko yung tatlong mokong at binigyan ko sila ng 'may araw din kayo sakin' look.

Pero bago pa ako makalayo eh nauntog ako sa isang matigas na pader. (Matigas na pader? malamang! wala naman kayang malambot na pader diba?)

Oo na, wala nang malambot na pader pero kasi--

"Kahit kailan tatanga tanga talaga."

Kapag minamalas ka nga naman talaga oh. Hindi pala pader yung nabunggo ko kundi tao na mukhang pader.

"Oh Zander! tapos na yung laro niyo?"

"Anong meron dito?"-Zander

"Eto kasing si Eros nakita namin na nakikipaghalikan sa bago niyang chickababes."

CHICKABABES??? MGA S*RA ULO TALAGA TONG MGA TO AH!!

"Hoy! anong sina-"

"Eros matuto ka namang pumili. Ipagpapalit mo na rin lang si Natasha sa mababang lebel pa--"

"Zander tama na."-Eros

"--Humanap ka naman ng mas hihigit sakanya. Hindi yung taong mas mahirap pa sa daga."

Aba talaga namang sumusobra na tong Zander na to ah. Akala mo kung sino siyang makapagsalita!

Lumapit ako sakanya at humarap.

"Bawiin mo yung sinabi mo."

"Ayoko."

"Bawiin mo." Hinawakan ko yung kwelyo ng damit niya. Pipigilan sana ako nung mga kasama niya pero hinarang niya yung kamay niya.

"Paano kung ayoko? sasapakin mo ako? Baka nakakalimutan mo na scholar ka lang sa school na pag mamay-ari ng pamilya namin." Tinignan niya lang ako ng masama pero naka ngisi parin siya.

*Boogsh*

Para yan sa pang-aalipusta at pag yapak mo sa pagkatao ko.

Three Nice Words [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon