Chapter-02

590 46 2
                                    

Papunta ako sa bar ngayon kung saan ako nag ta trabaho pag gabi. Oh yang isip nyo ha! Waitress yung trabaho ko dun no. AT!! Hindi ako nagpapa-table. WAITRESS lang talaga. PERIOD!

"Oh Alex ba't ang aga mo ata? naglilinis palang sila dito"

"Sesante" Sabay upo ko dun sa mesa. Eh kasi wala namang upuan na naka baba kaya sa mesa ako umupo.

"Dun sa cafe sa school?"

"Saan pa nga ba."

"Ha?? Bakit anong nangyari? may inaway ka ba?" Sunod sunod na tanong nya sakin.

"Hindi mo muna ba ko aalukin ng maiinom? hingal na hingal akong naglakad papunta dito tapos puro ka pa tanong"

"Sige, sandali lang"

Si Anica yun kaibigan ko. Matagal na rin kaming magkaibigan nun, simula nung lumipat kami ng bahay ni nanay naging magkaibigan na kami.

"Oh eto na po yung inumin nyo senyora" Sabay abot nya sakin ng juice.

"Wow may kulay pa ah"

"So.. Sino na nga ba yung inaway mo? NA NAMAN??"

"Wow naman parang napaka-sama ko namang tao at lahat na lang inaaway ko eh no. Hindi ako nang away"

"Eh ano? Ikaw ang inaway?"

"Basta! Lecheng lalake yun! Dahil saka--"

"Ano?? Lalake?? Gwapo ba??"

Haaaaaaay eto talaga kahit kailan, walang pinag bago basta lalake ang pinag uusapan laging malakas ng pandinig.

"Oo lalake nga. Gwapo?? Hinde noh, ang yabang nya. Nawisikan lang konting kape yung sapatos akala mo kung sino na, porke may ari lang ng school"

"Wait a minute girl. Tama bang dinig ko?? May ari ng sapatos?"

"Tanga! may ari ng school hindi sapatos"

"Yun na nga. Teka! Si Zander Avillon ba yung tinutukoy mo??"

"Aba malay ko. Wala akong pakielam sa lalakeng yun no" Hindi ko naman kasi matandaan yung pangalan nya. Tingin nyo ba aalamin ko pa dahil sa nangyari kanina?? NO WAY!!

"Sa Avillon Academy ka ba nagtrabaho?"

"Oo"

*Plok*

"Aray! Langya to' ang sakit. Bakit ka nambabatok?"

Three Nice Words [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon