Chapter-40

185 5 0
                                    

Alex'POV


Nasisiraan na talaga ang lalaking to' mas lalo pa siyang lumala. Pagsasamahin niya kami ng asawa niya sa iisang bahay?? Anong tingin niya sakin kaladkaring babae?? Hindi ako papayag na maging kabit niya.. At isa pa.. Alam ko ang pakiramdam ng nakikihati ng atensyon dahil ganun ako nung bata ako.. Ayokong mangyari sa mga anak ko ang nangyari sakin kaya gagawa talaga ako ng paraan para mabawi sila kay Zander.



"Gusto mo bang magaya sayo ang mga bata?"



"Anong sabi mo?" Alam ba niyang nakaka insulto ang sinabi niya?



"Lumaki ka na hindi buo ang pamilya nyo, kaya siguro ganyan ka."


Biglang nagkuyom ang mga kamao ko dahil sa sinabi niya. Kahit kailan ayokong iniinsulto ang nanay ko pati na rin ang pagpapalaki niya sakin dahil nakita ko lahat ng sakripisyo niya. "Kahit hindi buo ang pamilya namin masaya parin ako, dahil kahit kailan naman hindi nagkulang si nanay sakin at alam kong tama ang pagpapalaki niya sakin. Huwag na huwag mo na uling babanggitin yan dahil wala kang alam." Pagkasabi ko nun ay tumayo na ako para sana puntahan ang mga bata pero hinawakan niya ako at tumayo din siya.



"I'm sorry for saying those things. I admit, hindi na naman ako nag isip nang sabihin ko yun. Please Alex, magbalikan na tayo.. Alang alang sa mga bata."



Tinignan ko siya saka ko tinanggal ang kamay niya na naka hawak sakin. "Walang magbabago, maliban sa katotohanan na anak mo sila. Hindi na pwedeng mangyari ang gusto mo Zander.." Binitawan ko siya saka na ako naglakad papunta sa mga bata. Nakakainis ka Zander! Hindi ka marunong makuntento. Kung sanang hindi mo ako iniwan noon hindi ako magkaka ganito at kung hindi mo sana pinakasalan si Yoona baka sakaling pwede pa tayo.. Lahat ng ito kasalanan mo, kaya hindi mo rin ako masisisi kung bakit hindi ko pina alam sayo na nagka anak tayo.


"Mamaaaaaa!! Gusto ko po nito." Nilapitan ako ni Yesha habang bitbit niya ang isang malaking doll.


"Bibilhin yan sayo ng papa mo." Sabi ko sakanya sabay ngiti ko sakanya.


"Mama totoo po bang siya yung papa namin ni kuya?" Tumango ako sakanya, hindi ko na rin naman maitatago ang katotohanan sakanila. "Talaga po?" Biglang nag ningning ang mga mata niya nang sabihin niya yun. Natutuwa ba siya na si Zander ang papa niya? "Yes meron na akong papa!" Halos magtatalon siya sa tuwa dahil sa nakumpirma niya. Hindi ko pa nakitang ganito kasaya si Yesha.😊 Pero kahit ganun nalulungkot padin ako dahil kahit anong gawin namin hinding hindi makukumpleto ang pamilya namin.😞😞 At isa pa lalabas na anak sa labas ang mga anak ko.



"Tapos na ba kayong mamili ng mga laruan? May pupuntahan pa tayo." Biglang lumapit si Zander saka niya kinausap ang mga bata at pagkatapos ay binayaran niya ang mga napili ng mga ito. Nagpunta kami sa "even organizer" daw na kakilala niya at ipana ayos niya ang birthday ng kambal. Kung ako ang tatanungin ayoko ng bongga at ayoko ding mag celebrate kasama siya dahil kahit papaano ay nahihiya din ako kay Yoona. Pero hindi ko naman siya mapipigilan dahil anak niya ang pinag uusapan. Habang nakikipag usap siya sa organizer ay lumabas muna ako dahil nahihilo ako at nanlalambot. Hinawakan ko ang noo ko at mainit na naman ako. Ilang araw nang pabalik balik ang lagnat ko kahit na umiinom naman ako ng gamot. Kailangan ko na yatang magpa check up.

Umupo ako sa bakanteng upuan dito sa labas saka ko kinuha yung tubig at paracetamol sa bag ko pagkatapos ko itong inumin ay inubo ako at nanlambot ako sa nakita ko.. M..may dugo.. Kaagad kong kinuha ang panyo ko at pinunasan ko ang bibig ko. "Hindi.." Tumayo ako at pumara ng taxi, ayokong makita ako ng mga anak ko na ganito. Narinig kong tinawag ako ni Zander pero hindi ko siya pinansin. "Manong sa ospital ho tayo." Habang nandito ako sa taxi ay hindi ko mapigilang umiyak. Natatakot ako, bakit may dugo?? Sa sobrang nerbyos ko ay tinawagan ko si Anica pero hindi siya sumasagot kaya si Eros na lang ang tinawagan ko..





Three Nice Words [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon