Chapter-26

238 9 0
                                    

Alex' POV

"Salamat sa paghatid Eros ah. Pasok ka na muna sa loob."

"Ah hindi na, may lakad din kasi ako."

"Ah ganun ba.Teka, sigurado ka ba na okay lang sa'yo na dalhin ko tong mga to?" Yung basket yung tinutukoy ko. Ang dami pa kasing pagkain nun at yung iba hindi naman namin nagalaw kaya kahit nakakahiya eh hiningi ko na sakanya.

"Oo naman. Wala nang kakain niyan sa bahay."

"Oh sige, salamat. Dadalhin ko na lang bukas yung mga lalagyan pati na rin yung basket."

"Walang problema. Matulog ka ah."

Tumango na lang ako sakanya. Hindi na ako makakatulog nito dahil dalawang oras na lang at kailangan ko nang maghanda para sa trabaho.

Pagpasok ko sa bahay ay hinapagan ko na ng pagkain si nanay saka ako nagpaalam na pupunta kina Anica.

***

"Huwaaat?? Magpapakasal na si Zander??"

Halos lumabas ang lahat ng tutuli ko sa tenga dahil sa OA na reaksyon ni Anica.

*plok*

"Sinabi nang huwag maingay eh. Ang OA mo talaga kahit kailan."

"Ito naman, agad naka kutos. Nagulat lang naman ako friend. Eh paanong nangyari na may fiancée si Zander?"

"Hindi ko rin alam. Makikipag break na nga ako sakanya bukas."

*PLOK*

"Aray!!" Napatayo ako sa sobrang lakas ng pagkaka batok niya sakin. Nakita niyo yun?? All caps oh. Hindi pa ng natatanggal ang sakit ng ulo ko dahil sa pananabunot nung tatlong maldita sakin nung isang araw tapos nabatukan pa ako dito.

"Eh ikaw naman kasi, padalos dalos kang mag isip. Makikipag break ka agad sa tao, hindi mo pa naman naririnig ang paliwanag niya."

Kinalma ko ang sarili ko at hindi ako nagpa dalos dalos, baka mamaya mabatukan ko rin tong si Anica dito. "Hindi ko na kailangang hintayin yung paliwanag niya. Sa totoo lang kanina ko pa yun pinag iisipan. Sa ganda nung batang yun siguradong kahit na sinong lalaki mabibighani sakanya, kaya lang parang sobrang bata pa niya para pakasalan ni Zander."

"Exactly! Habang hindi pa sila nagpapakasal dapat kayo muna ni Zander."

"Wow! Salamat sa friendly advice mo ah."

"Your welcome my friend."

"Tssss. Sira! Kapag ganun lalo ko lang sasaktan ang sarili ko."

"Okay lang namang masaktan basta para sa ikaliligaya mo."

Okay lang masaktan? Bakit parang hindi yata magandang ideya yun. Ayoko nun, ayoko!
Tinignan ko yung phone ko at hanggang ngayon wala parin siyang text sakin.

Waaaaaaah!! Bakit ganito?? Pakiramdam ko tuloy unti unti na siyang nawawala sa akin.

"Alam mo my friend, dapat siguro baguhin mo na yung life style mo. Sinabi mo nga, maganda yung Yoona, mayaman, magaling manamit at anak ng ambassador. Kahit na lamang na lamang yun sa'yo at kahit na talong talo ka na dapat hi--"

"Wow, salamat sa pang da-down ah?"

"Hindi yun ang ibig kong sabihin, ang sinasabi ko ay kayang kaya mo yun. Kasi maganda ka naman eh, hindi ka lang marunong mag ayos at manamit."

"Eh sa ganito na nga kasi talaga ako."

"Hindi ka natural na ganyan! Pinili mo lang na maging ganyan, lahat ng tao may choice kaya nga binigyan tayo ng free will ni papa God para gawin natin yung gusto natin, kaya dapat gawin mo ang gusto mo."

Three Nice Words [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon