Chapter-30

231 9 0
                                    

Five years later..

Alex' POV

"Thank you for calling Mighty Brands this is Zandra. I will be happy to assist you, may I have your account number please?"

"Everyone! Commendation for Alex, from our client!"

Nagsi palakpakan yung mga kasama ko at dahil doon ay hindi ko na narinig yung customer ko sa kabilang linya.

Oo tama nga kayo, nagtatrabaho ako ngayon sa isang call center company at mag tatatlong na taon na rin ako dito.

"Uy Alex, may commendation ka na naman. Sigurado may GC ka ulit mamaya. Ang bongga mo te, naipon na ang mga GC mo!"

Nag mute ako saka ako humarap dito sa katabi kong makulit na si Lexi. "Shhhh. Huwag kang maingay may customer pa ako."

"Ay sorry naman te."

Binalikan ko na yung customer ko at pagkatapos kong ma place ang order niya ay nag chat sakin yung supervisor ko at pinapapunta ako sa office ng manager namin.

"Yes sir? Pinapatawag niyo po ako?"

"Wow Alex! Top converter ng team at kabilaang commendation. What else should I ask for? Nilalakad ko na ang promotion mo for supervisor. So, how about some breakfast later? Diba day off mo naman?"

"I'm sorry sir pero may lakad po kami ng mga anak ko."

"Oh I see. I understand, pwede naman sa ibang araw."

Hindi na lang ako sumagot sa suhesyon niya. Alam ko na my gusto siya sakin dahil nagtapat siya noon pero tinanggihan ko siya. Sa totoo lang gwapo naman itong manager namin, Fil-Am, mayaman, mabait at walang sabit pero ewan ko ba! Simula nung magka anak ako, sakanila na lang umikot ang mundo ko. Kesa ubusin ko ang oras ko sa buhay pag-ibig sakanila na lang.

Oo marami na nga ang nagbago sakin. Naging pala ayos na ako ngayon, hindi na kasi ako yung dating Alex na hindi marunong mag ayos at manamit. Ako na yung Alex na hindi nakakalabas ng hindi naka ayos ang buhok, walang lipstick at higit sa lahat ng gutay gutay ang suot. limang taon ba naman ang lumipas eh. At isa pa, kahit na nanay na ako ayokong isipin nila na loshang na ako. :D

At ayun na nga. Going back, diniscuss niya sakin yung evaluation ko at ganun din yung stats ko sa buong buwan at as usual, hindi naman sa pagmamayabang pero ako parin ang nangunguna. Sa totoo lang competetive talaga ako pagdating sa trabaho dahil kailangan ko ito at kailangan ng mga anak ko. Kung hindi ko gagalingan saan kami kukuha ng pagkain namin diba? Yung mga nakukuha kong GC (Gift Certificate) pinambibili ko ng gatas nila, malaking tulong din yun.

"Okay so, that's it. Congratulations again Alex."

"Thank you sir." Kinamayan niya lang ako saka na ako lumabas sa office niya.

Bumalik na ako sa station ko at nakita ko yung dalawa kong kaibigan na nagnining ning ang mga mata.

"Girl anong sabi sa'yo ni sir Kurt?"

"Diniscuss niya lang yung eval ko." Sinuot ko na yung headset ko at nag hintay na ako ng tawag.

"Hindi pa ba siya nagtapat ng nararamdaman niya sa'yo?"

Tinignan ko sina Rogelio o tawagin natin siya sa pangalang Rose at si Lexi. "OA niyo ah. Wala siyang dapat ipagtapat at wala siyang sasabihing importante gaya ng iniisip niyo. Chismosa talaga kayong dalawa."

"Hmp! Eto naman. Malapit na kasi ang valentines day kaya hinahanapan ka namin ng date."

"May date na ako. Dalawa pa nga sila diba?"

"Sus! Yung mga anak mo na naman? Eh ilang taon mo na silang ka date every valentine. Siguro darating na yung boyfriend mo no? Ayieeeeehhh.."

Kiniliti pa ako ng mga loka at sabay akong pinag tripan. "Ano bang sinasabi niyo jan? Mga anak ko nga ang idedate ko."

Three Nice Words [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon