"Anoooooooo??? Kayo na ni--Zhshgsgsjsnvh??"
Hindi niya na naituloy ang sinasabi niya dahil sinubo ko sa bibig niya yung malaking mamon.
Ang ingay talaga ng Anica na to. Kakasabi lang na huwag maingay tapos ang lakas naman ng boses ngayon.
Nilunok na muna niya yung kinakain niya tapos uminon siya ng tubig bago uli nagsalita.
"Frenie ibang level ka na talaga. Kaya ba nilibre mo ako ngayon? Sandali nga lang at oorder pa ak--"
"Hoy tumigil ka nga jan, wala na akong pambayad kaya hanggang jan ka na lang." Umayos ako ng upo at itinuloy ko yung kinukwento ko sakanya. "Yun na nga. Sinabi niya na kami na tapos--"
"Tapos?????? Hinalikan ka niya tapos may nangyari sainyo??"
*plok*
"Ang lawak ng imahinasyon mo." Binatukan ko nga sya.
"Aray ko naman te! Ang bigat talaga ng kamay mo, akala ko pa naman nagbago ka na."
"Wala kasing preno yang bibig mo eh. Hindi yun yung sasabihin ko. Walang nangyari at hindi kami nag kiss okay?? Ang sasabihin ko, wala."
"Wala?"
"Wala. As in wala akong naging reaksyon nung sabihin niya sakin yun." Alam mo yung pakiramdam na sasabihan ka ng lalaki na magbabago siya para sayo? Hindi ko alam pero parang nag iba talaga yung pagtibok ng puso ko nung marinig ko yun. Kahit na nga ngayon, iisipin ko lang na sinabi niya sakin yun parang tumitindig ang mga balahibo ko. Naalala ko tuloy sinabi sakin ni nanay nung isang araw.
"Alam mo anak gusto ko si Zander para sayo."
"Nay na brain wash na ba kayo ng lalaking yun? Bakit parang botong boto kayo sakanya?"
"Alex buksan mo ang mga mata mo, hindi ba halata na gusto ka niya? Yang puso mo buksan mo at pakiramdaman mo sa sarili mo at higit sa lahat buksan mo ang isip mo. Hindi habang buhay puro pera ang mahalaga sa buhay ng tao. Kailangan natin ng taong mamahalin at mamahalin din tayo."
"Anjan naman kayo nay eh. Sapat na kayo sakin."
"Iba ang pagmamahal ng ina sa pagmamahal ng taong minamahal natin. Ang totoo niyan anak nagpaalam sakin si Zander na liligawan ka niya at sinabi niya na susbukan niyang baguhin ang sarili niya para sayo."
"Pero Alex feeling ko naman seryoso siya sayo. Buruin mo ang dami niyang effort sayo. Sa mga ginawa niyang yun sayo choosy ka pa ba?"
"Ano bang sinasabi mo jan?" Nabalik ako sa sarili ko nang magsalita si Anica. "Hindi effort yun, hobby niya na talaga ang mambwiset ng buhay ng iba at nagkataon lang na ako ang napag tripan niya."
"Nagkataon lang ba talaga? Eh paano yung pagpunta niya sa bahay niyo? Yung pagdala niya sayo sa ospital? Yung pagbabayad niya ng bill mo? Yung pagsama niya sayo sa bahay nila? Yung paghihintay niya sayo ng ilang oras tapos hindi mo siya sinipot at higit sa lahat ang pangako niya sayo na magpapaka good boy siya? Sa tingin mo hindi pa ba siya seryoso nun?"
Ewan ko ba, naguguluhan talaga ako. Honestly, merong parte sakin na nagsasabing subukan ko pero may takot parin sa puso ko syempre. Ang mga lalake kasi mabulaklak ang bibig at mabait lang ang mga yan pag may kailangan sayo. So paano kung ganun siya? Mukha pa namang manloloko at babaero ang Zander na yun.
"Alam mo Anica ang dami mong alam. Tama na nga ang pangongonsensya. Wala akong balak na patulan ang mokong na yun."
Nagulat ako sakanya dahil bigla siyang tumayo, nakuha niya tuloy ang atensyon ng mga tao dito sa coffee shop.
