Epilogue

394 11 2
                                    

"Alex!"

"Anong ginagawa niya dito??

"Mamaaaaaa!"

"Yesha! Aki!" Laumapit sakina ng mga anak ko saka ko sila niyakap.

"Akala ko hindi ko na kayo makikita." Bigla na akong naiyak dahil sa tuwa.

"Pwede ba yun? Ikaw ang mama nila kaya hindi mo sila pwedeng iwan."


Anong sinasabi ng Zander na to? Huwag niyang sabihin na ipapa cancel niya ang flight?
Bigla niyang iniangat ang ticket na hawak niya. "Teka, paanong.."

"Tama siya Alex."

Bigla akong tumayo nang magsalita si Eros.

"Kailangan ka ng mga anak mo at alam kong mas mapapabilis ang pag galing mo kung sila ang kasama mo." Nilapitan niya ako saka niya hinawakan ang kamay ko. "Alex, palagi mong tatandaan na kahit anong mangyari, mahal kita at palagi lang akong nandito para sayo." Hinawakan niya ang singsing sa kamay ko saka niya yun hinila. "Mananatili akong kaibigan mo habang buhay."

"Eros.." Niyakap ko siya saka ako naiyak. Hindi ko alam kung para saan ang luhang yun pero isa lang ang nararamdaman ko ngayon, determinado talaga akong magpagaling para sa mga taong nagtitiwala sakin. "Thank you.."

"Magpagaling ka, pagbalik mo may aaminin ako sayo."

"Hoy, anong aaminin mo? Pagbalik niya sa Pilipinas Mrs. Avillon na siya, at tinitiyak kong hindi ka imbitado sa kasal namin kaya awat na yan."


Pinag hiwalay niya kami ni Eros na parang batang nagdadamot saka ako natawa sakanya. Akala ko pa naman nagbago na siya, isip bata parin pala.😑😒

"Oh sige na, baka mamaya ma disoras pa kayo. Mag iingat kayo Alex."


"Salamat Eros.."


Nagpaalam na kami sakanya at bago pa man kami maka pasok sa loob ay may tumawag na naman sa pangalan ko. Bakit ba napaka sikat ko ngayong araw na to? Paglingon ko ay nakita ko sina Tasha, Ermes at ang tatay ko.



"Hoy bigla bigla ka na lang umaalis ng walang paalam. Alam mo bang halos manganak na ako sa bilis ng pagmamaneho ng lalaking to? Dahil lang sa pag habol sayo?"


Bigla akong natawa dahil pinaghahampas niya si Ermes. "Pasensya na, biglaan lang kasi."


"Anak, mag iingat kayo. Ipagdarasal ko ang pag galing mo."


"Salamat po." Mejo awkward ang feeling dahil nga hindi kami ganun ka close. Magpapaalam na sana ako pero bigla siyang nagsalita at lumapit sakin.


"Anak, tanggapin mo ito. Makaka tulong din yan sa pagpapagaling mo."


"Ano ho ito?" Binuksan ko yun at nakita ko yung halaga nung pera sa passbook. May anim na zero😮😮😮 ngayon lang yata ako makaka hawak ng ganito kalaking pera kung nagkataon. "Bakit nyo ho ito binibigay sakin?"


"Ipon ko talaga yan para sayo anak. Malaki ang pagkukulang ko sayo, dapat nga noon ko pa yan ibinigay sayo pero nagka sakit ako at nawalan na ako ng pagkakataong puntahan kayo ng nanay mo."


Ibinalik ko sakanya ang passbook. "Mas kailangan nyo ho yan. Sa tingin ko naman kayang sagutin ni Zander ang pagpapa gamot ko. Diba humingi na siya ng permiso sainyo? Kaya simula ngayon, magkasama na namin haharapin ang lahat ng problema. Sa hirap at ginhawa."


"Teka! Sandali lang, ngayon na ba tayo ikakasal? bakit nanunumpa ka na sa Daddy mo?"


"Tsss."😑😒


Three Nice Words [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon