Chapter-31

272 15 0
                                    

"Uy sis!"

Hindi pa man ako nakakapag log ay binangga na ako agad ni Lexi saka umupo sa katabi kong upuan at kasunod naman niya si Rogelio--este Rose pala.

"Akala mo hindi namin nakita yun ah?"

"Nakita ang alin?" Tanong ko sa dalawa na parang reporter ang peg.

"Sus! Huwag ka nang magkaila sis!"

"Anong ibig niyong sabihin?" Patay malisya na lang ako sa tanong nila habang isinasaksak ko ang headset ko.

"Yung naghatid sayong pogi!"

"Oo nga sis, sino yun?"

Si Eros siguro ang tinutukoy ng dalawang bruhang ito.

"Yun ba yung ka chat mo palagi sa facebook?"

"Kayo talaga napaka chismosa niyo kahit na kailan. Pero oo na! Siya na nga yun."

"Ayieeeeeeeh!"

Sabay silang napatili saka nila ako kiniliti sa tagiliran.

"Kayo talagang dalawa. Mag log-in na nga kayo at oras na."

"Maaga pa sis. Magkwento ka muna."

Pangungulit sakin ni Rose. Kaya lang biglang dumaan yung mga boss namin kaya nanahimik sila at nag log-in na.

Buong shift nila ako kinukulit kahit na nga nung break namin naki sabay pa sila sakin at pilit akong pinag kwento, syempre wala naman din akong nagawa kaya kinwento ko na lang sakanila at buong shift akong gising dahil doon.

"Uy Alex ayaw mong mag OT? May Big Mac daw yung mag O-OT ng one hour."

Bulong sakin ni Lexi.

"Ayoko, matutulog ako eh."

"Oo nga naman! Bakit pa siya mag o-OT eh may magsusustento ng gwapo at mayaman sakanya."

"Manahimik na nga kayong dalawa jan. Hoy Rogelio mag OT ka. Habulin mo yung conversion mo ah. Una na ako sainyo."

Nag beso na ako sakanila saka na ako bumaba at kinuha ang gamit ko sa locker room. Kukulitin na naman ako ng dalawang yun kapag hindi ko pa sila iniwan.

Habang palabas ako ay binuksan ko ang selepono ko at nabasa ko ang text ni Anica na kagabi pa pala.

[Mars, pag uwi mo bilhan mo ako ng chitchirya ha? Yung walang tear here na nakasulat. Nakakapagod na kasing umiyak.]

"Jusme at humugot na naman po siya."

Napa iling na lang ako sa text niya. Eh paano ba naman palagi na lang siyang sawi. Ang bilis niyang mahulog sa mga lalaki kaya ayun mabilis din siyang iwanan. Tsk! Tsk! Tsk! Kawawang Anica.

Paglabas ko ay nagulat ako dahil may isang gwapong nilalang ang naghihintay sakin sa labas.

"Anong ginagawa mo dito?" Bungad na tanong ko sakanya.

"Sinusundo ka."

Lumapit siya sakin at pinag intertwine niya yung kamay namin saka niya ako hinalikan sa pisngi.

"Ang aga mong gumising ah?"

Umiling siya. "Hindi pa nga ako natutulog niyan eh."

"Huh? Bakit?"

"Hindi ko rin alam. Siguro dahil buong magdamag kang gising at iniisip ako."

Napaisip ako sa sinabi niya. Totoo kaya yun? Na kapag pinag uusapan niyo yung tao hindi siya makakatulog??

"Oh ano? Totoo no?"

"Che! Korny mo ah!" Pinisil ko yung ilong niya saka na ako sumakay sa kotse niya. Sumunod naman siya saka niya na ito pinaandar.

Three Nice Words [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon