Chapter-19

239 24 7
                                    

*Beeep*

Nagulat ako dahil sa busina ng isang motorsiklo na huminto dito sa tapat ko. At sino naman to??

Nang tanggalin niya ang helmet niya saka ko lang siya nakilala.

"Marion ikaw pala."

"Oh bakit ganyan ang mukha mo umagang umaga?"

"Ah wala." Pagkasabi ko nun ay naglakad na uli ako. Maaga pa kaya maglalakad na lang ako ngayon papunta sa school.

"May problema ba Zandra?" Hindi ko namalayan na naka sunod pala siya sakin.

"Wala naman." Sagot ko sakanya. Hindi lang siguro maganda ang gising ko ngayon dahil hindi ako nakatulog ng maayos kagabi. Sigh.. araw araw naman akong natutulog ng tatlong oras lang, minsan nga isang oras lang pero ngayon na may chance akong matulog hindi ako nakatulog ayan tuloy masakit ang ulo ko.

"Masama ba ang pakiramdam mo?"

"Hindi, inaantok lang ako."

"Huh? Pero hindi ka naman nagtrabaho kagabi diba?"

Tinignan ko siya. Paano niya nalaman??

"Pumunta ako doon kagabi pero hindi kita nakita."

"Sinusundan mo ba ako?"

"Oo hindi ba halata ngayon?"

"Marion--"

"Sinabi ko naman sayo na gusto kong ibalik yung dati Zandra. Babawi ako sayo sa mga taong nawala kaya sumakay ka na."

bumaba siya sa motor niya saka niya ako binuhat at pinasakay sa motor niya.

"Ano ba Zander baka mamaya mahulog ako dito."

"Zander?"

"Ha?" Ano bang Zander ang sinasabi niya?? Ang daming pangalan bakit siya yung kailangan niyang banggitin.

"Binanggit mo kasi yung pangalan niya."

Binanggit ko??? "A..ano??"

"Never mind."

Isinuot niya sa ulo ko yung helmet na suot niya kanina saka niya na pinaandar yung motorsiklo niya.

"Paano ka?"

"Magiging okay lang ako as long as nandito ka sa tabi ko."

Kinuha niya yung dalawa kong kamay saka niya ipinalupot sa bewang niya. Agad ko namang tinanggal yun.

"Anong ginagawa mo?"

"Ikaw ang may helmet tapos ako wala kaya dapat protektahan mo ako."

Ibinalik niya yung kamay ko sa bewang niya at hindi ko na lang yun tinanggal. Kung sabagay may point siya.

Pagdating sa school ipinarada niya lang yung motor niya at sabay na kaming naglakad. Habang naglalakad kami sa loob ng campus pinagtitinginan kami ng mga tao. Anong meron??

"Mukhang sikat na agad ako dito kahit na kakapasok ko lang ah."

"Wow ilang page ang kakapalan ng mukha mo? Tingin mo ganun yun?"

"Hindi ba? Pogi ko kaya." Nag pose pa siya ng pang mr. Pogi sa harap ko at tawa ako ng tawa sakanya. Kailan pa to naging ganito? Dati ang tahimik lang niya tapos bigla siyang nag evolve ng ganito?

"Ayan maganda ka na uli."

"Ano? Sira ka talaga."

"Mas maganda ka kapag naka ngiti ka ng ganyan. Kaya huwag ka ng sisimangot ha?"

Three Nice Words [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon